PINARANGALAN ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Charee Pineda bilang Young Filipino Achievers sa nakaraang Golden Globe Awards for Business Excellence 2013 for their outstanding and significant achievement in the field of Arts and Entertainment. Ginanap ang event sa Manila Hotel kamakailan lamang.
National Youth Commission ambassador din si Denick at aniya, isang malaking karangalan ang ipinagkaloob sa kanya ng Golden Globe Awards (GGA). “I feel so honored and blessed dahil hindi narnan araw-araw ay nakakatanggap ang isang tao ng award. Bilang isang role model, I can inspire the youth by simply doing my best sa bawat pagkakataong maipapakita ko ang anumang talent na meron ako:’ pahayag ni Derrick.
Likewise, pinasalamatan ni Kristoffer ang GGA at aniya, magsisilbing inspirasyon ang award niya para mas lalo pa siyang magpursige sa larangang ginagalawan niya ngayon.
Samantala, rnapapanood si Kristoffer ngayong Sabado sa “Maynila” sa episode na pinamagatang “Pusong Mapagpanggap.” Siya si Brick, nagpanggap na mayaman para magustuhan ng nililigawan niyang si Sassy (Kim Rordriguez). Watch “Maynila” after “Sarap Diva” sa GMA7.
Getting stronger
Four years na together sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco at getting stronger ang kanilang relasyon, avon kay Alwyn nang nakausap namin sa taping ng “Tropa Moko Unli.” Sobrang pasensiyosa raw si Jennica at very supportive sa kanyang career. Ito ang Number One critic niya kapag pinanonood siva sa TMU. “Sinasabihan niya ako kung okey o hindi ang acting ko,” ani Alwyn.
Malaking tulong din sa kanilang relasyon na parehas silang kasapi sa Victory Christian Fellowship. For the love of Jennica, nagpa-convert si Alwyn sa pagiging Christian. Any marriage plans? “Wala pa. Paminsan-minsan, napag-uusapan namin. Pero hindi seryoso. Trabaho muna kami pareho,” sambit ni Alwyn.
May three-year exclusive contract siva sa TV5 at masaya siva sa pagtatrabaho sa Kapatid Network. Nag-e-enjoy siva sa “Tropa Moko Unli” at marami siyang natututunan kina Ogie Alcasid at Gelli de Belen na mga sanay na sa pagpapatawa. Abangan ngayong Sabado ang isa na namang nakakaaliw, nakakabaliw na episode ng TMU na mapapanood pagkatapos ng “Showbiz Police.”
Trahedya
Tampok mamaya sa “Magpakailanman” ang dalawang kuwento ng pag-asa at pag-ibig. Pinamagatang “Nalunod na Pagasa : The Cebu Ship-Collision Tragedy,” tunghayan ang bawal na pag-ibig nina Quinan Alvarez at Angely Javier at ang pagtanggi ni Jenelyn Yandog sa asawang matagal nawalay sa kanyang asawa.
Silang tatlo ay iilan lamang sa daan-daang katao na nakasama sa trahedyang nangyari noong nagkabanggaan ang dalawang barko sa Cebu . Tampok sina Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz at Michelle Madrigal with JC Tiuseco and Allan Paule.