HINDI sumama ang loob ni Ogie Alcasid at wala siya ni katiting na tampo sa desisyon ng TV5 na ipagpaliban ang airing ng “The Gift.” Maybe, may kaunting panghihinayang. Ipinagmalaki pa naman ito sa amin ni Ogie noong nakausap namin siya sa taping ng “Tropa Moko Unli.”
First drama ever teleserye niya ang “The Gift.” Excited nga siya sa airing nito na dapat ay nag-umpisa noong Lunes (Oct. 14).
Anyway, may dalawa pang show si Ogie sa TV5, “The Mega and the Songwriter” at “Tropa Moko Unli.” Siya rin ang head ng Music Department ng Kapatid Network.
Maraming plano si Ogie para mapaangat ang TV5. “I like the pressure, but I’m not stressed,” aniya. “Positive lang parati. ’Andu’n pa lang kami sa awareness na meron palang mga ganitong programa sa TV5. We know, hindi pa kami pwedeng makipagsabayan sa ibang networks. It will take years,” pahayag ni Ogie.
Nasa Australia siya ngayon para sa 16th birthday celebration ng panganay nilang anak ng ex-wife niyang si Michelle Van Eimeren na si Leila. Kasamang umalis ni Ogie ang parents niya noong Linggo (Oct. 13). Next week ang balik niya sa Pilipinas.
Weird
Weird ang feeling niya ngayong may boyfriend na si Leila, sabi ni Ogie Alcasid. Nakilala na niya sa personal ang 17-year old Australian BF ng anak niya. Pati ang daddy nito, ayon kay Ogie, ay sobrang guwapo at matangkad. Kabog nga raw siya.
Aniya pa, cool lang ang daughter niya sa pakikipag-relasyon sa BF nito. Sinabi raw sa kanya ng daddy ng BF nito na parati nitong pinapaalalahanan ang dalawang bagets na huwag muna silang magseryoso at dapat ay priority pa rin nila ang pag-aaral. Dapat daw ay magsilbing inspirasyon nila ang isa’t isa.
Aware ba ang mga anak niya (Leila at Sarah) na sikat siya sa Pilipinas? “Naku, deadma lang sila. Parang wala lang ’yun sa mga anak ko (laughs),” sabi ni Ogie. Aniya pa, sa isang probinsiya sa Australia nakatira ang mga ito, kaya tahimik lang ang pamumuhay roon ng mga anak niya kasama ang mommy nilang si Michelle Van Eimeren (Ogie’s ex-wife) at stepdad na si Mark Murrow.
Wagi
Si Julie Ann San Jose ang nanalong Best New Female Recording Artist sa katatapos na Star Awards for Music ng PMPC. Nanghinayang si Julie Ann na hindi siya nakadalo sa Awards Night. May mall show kasi siya at hindi na siya nakahabol sa Awards Night. Anyway, thankful siya sa PMPC sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.
Thankful din si Julie Ann sa mga sumusuporta sa teleserye nila ni Kristoffer Martin, ang “Kahit Nasaan Ka Man.” Tanggap ang tandem nila at marami ang nagsasabing malakas ang kanilang screen chemistry. May kilig factor.
Naaawa ang kanilang supporters kay Kristoffer dahil pa-martir effect siya bilang Leandro. Parehas sila ni Lucho Ayala (as John) na may gusto kay Julie Ann (as Pauline), pero nagpaparaya siya kay John. Papogi points pa ang huli na kine-claim na siya ang dahilan kung bakit nakakakita na si Pauline.