by Rowena Agilada
KNOWS kaya ni Sam Milby na hindi man diretsang nanliligaw si Jake Cuenca kay Jessy Mendiola, e dinadaan
naman nito sa regalo ang mestisang dalaga? Kung flowers and chocolates ang diskarte ng ibang guys sa panliligaw, say it with gifts naman si Jake.
“Ayokong sabihin kung anu-ano na ang naibigay ko kay Jessy. Mas maganda sa kanya manggaling,” sabi ni Jake nang nakausap namin sa launch ng RTL-CBS Asia Entertainment Network.
Ayon pa kay Jake, wala siyang problema kay Sam. Friends sila at kung sinuman ang sagutin sa kanila ni Jessy, gusto niyang manatili pa rin ang friendship nila ni Sam. “Magkaiba kami ng style sa panliligaw. May the best man win na lang. Kung si Sam ang magiging mapalad, masakit man, tatanggapin ko. Kung ako naman ang sasagutin ni Jessy, ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo,” lahad ni Jake.
Aniya pa, ipinapakita niya kay Jessy kung ano siya. Wala siyang pretensions . If ever maging “sila,” hindi niya sasayangin ang pagkakataon. Handa na siya sa isang pangmatagalang relasyon. Christmas wish ni Jake na sana raw ay sagutin na siya ni Jessy. O, ano girl? Torn between two lovers ka ba?
Partnership
Bukod kay Jake Cuenca, dumalo rin sa launch ng RTL CBS Asia Entertainment Network sina Karylle at Ms. Universe-Philippines 2012 Shamcey Supsup. The affair was hosted by Cessca Litton na feeling sarili niyang talk show ang launch. Siya lahat ang nagtanong sa guest celebrities, pati sa executives ng RTL CBS Asia Entertainment Network. Naging audience lang ang entertainment press. Nang tanungin niya kung may mga tanong pa, deadma ang mga ito. Sabi ng isang entertainment writer, “Naitanong na niya lahat, ano pang itatanong natin?”
In any case, in partnership with Viva Communications, Inc., magkakaroon ng provincial distribution and airtime salesang RTL CBS Asia Entertainment Network. “Viva is privileged to be working with RTL CBS in bringing up world-class pay television entertainment to the Philippines,” said Christopher Sy, executive vice president, Viva Communications,Inc. “The combination of these two international powerhouses has resulted in a network that truly offers a great viewing experience for the entire family.”
Ang RTL CBS Asia Entertainment Network ang leading European entertainment network at owner ng Fremantle media, CBS studios international at leading supplier ng mga programming sa international television market.
Ang unang channel nito RTL CBS Entertainment HD ay available na sa Pilipinas bilang bahagi ng Skycable’s Silver, Gold, Dual Def499, Dual Def999 at TitaniumHD40 packages. Kabilang dito ang “The X Factor USA,” “America’s Got Talent,” “Entertainment Tonight,” at toprated US series “Elementary” and the upcoming “Under the Dome.”
And more
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang istorya ng isang public school student na nakaranas ng pambu-bully. Pinamagatan itong “School Bullying: Caught on Cam.”
Dahil maganda si Abby ay kinaiinggitan siya ng leader ng isang gang sa loob ng school. Binu-bully siya at binubugbog na nakunan ng video. Ikinalat ito, subalit walang magawa ang mga titser dahil takot sila sa gang.
Tampok sina Bianca Umali, Vincent Magbanua, Rich Asuncion, Nicole Dullala, Sabrina Mann at Shamaine Centenera, sa direksyon ni Aloy Adlawan.
Abangan naman sa “Tropa Moko Unli” ang iba’t ibang nakakaaliw,nakakabaliw na segments, “Ok Pa, OA Na,” “Chaka Diary,” “ShoShow A All the Way” with JG Manicad tungkol sa spoof ng bloopers on TV reporting,” “Floor Pay,” sketch ng “Double Standard” with Wendell Ramos and Empoy, gags about “Kuto” at ang “Battle of the Brainless,” hosted by Ogie Alcasid. Tutok lang sa TMU pagkatapos ng “Showbiz Police” sa TV5.