Kung nagpahayag si Luis Manzano na malabo silang magkabalikan ni Jennylyn Mercado, “Bahala na,”ang wika naman ni Angel Locsin kung magkakabalikan sila ni Phil Younghusband. Nauna pa silang mag-break kina Luis at Jennylyn, na gaya ng dalawa, ayaw ding sabihin ni Angel ang dahilan ng break-up nila ni Phil. Aniya sa kanyang twitter account, mutual decision nila ‘yun at maayos silang naghiwalay.
May mga haka-haka na diumano, halos wala nang time for each other sina Angel at Phil dahil parehas silang busy sa kanilang respective careers. Ang babaw naman yata nu’n. Kung talagang love n’yo ang isa’t isa, kahit gaano pa kayo ka-busy, hahanapan n’yo ng oras para makapiling ang isa’t isa. Time management lang ‘yun, di ba?
Mutual decision
Mutual decision din nila ni LJ Reyes ang paghihiwalay, ayon kay Paulo Avelino. Nakausap ang aktor noong presscon ng “Honesto” na aniya, kahit hiwalay na sila ni LJ, he sees to it na may time siya for their 3-year old lovechild, Aki. Kapag libre siya sa kanyang trabaho, sinusundo niya ang bagets at ipinapasyal, ayon kay Paulo.
Love na uli ng press si Paulo dahil hindi na siya makiyeme kapag iniinterbyu. Noon kasi, kapag ayaw niya ng tanong lalo na tungkol sa kanyang lovelife at anak, nag-iinarte siya. Nagkaroon siya noon ng bad press dahil sa attitude niyang ‘yun .
Nanibago nga ang movie press kay Paulo noong presscon ng “Honesto” dahil sinagot niya ng buong katapatan ang mga tanong sa kanya. No censored questions.
Sa naturang presscon, itinanggi ni Paulo ang balitang diumano’y nagtangka siyang mag-suicide dahil sa sobrang depression. Nagulat nga raw siya, pero hindi siya affected.Inamin niyang may pinagdaraanan siyang personal problem noon, pero hindi dahilan ‘yun para mag-suicide attempt siya.
In any case, simula mamayang gabi ay mapapanood na ang “Honesto” pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida. First time ni Paulo sa father role at anak niya ang 5-year old bagets na si Raikko Mateo.
Big pressure
Big pressure kina Janine Gutierrez at Elmo Magalona ang afternoon teleserye nilang “Villa Quintana” na pilot telecast today sa GMA7. Ang original series na ito’y tinampukan nina Keempee de Leon at Donna Cruz na tumagal sa ere ng mahigit isang taon. Nanalo itong Best Drama Series sa PMPC Star Awards for TV in 1996.
Ani Janine at Elmo, kung hindi man nila mahigitan ang original version ng “Villa Quintana,” sana raw ay mapantayan nila ito, ratings-wise. Sana raw ay tangkilikin din ang kanilang tandem.
Ginagampanan nina Janine at Elmo ang karakter noon nina Donna bilang Lynette at Keempee bilang Isagani. Iikot ang istorya sa kanilang love story, kung paano sila paghihiwalayin ng kanilang respective families na tutol sa kanilang relasyon.
Ayon kay Janine, hindi pa rin siya makapaniwala na bida na siya. Sobrang happy siya at thankful sa tiwala at pagkakataong ibinigay sa kanya ng GMA. Two years siyang naghintay bago nabigyan ng launching project.
Tampok din sa “Villa Quintana” sina Raymart Santiago, Paolo Contis at Sunshine Dizon. Mula sa direksiyon ni Gina Alajar.