by Rowena Agilada
MADALI lang ang naging paguusap nina Ms. Wilma Galvante (TV5 Chief Entertainment Content Officer) at Michael V. kaugnay sa pagpirma ng huli ng kontrata sa Kapatid Network. Ayon kay Ms. Wilma, pinangakuan niya si Michael na hahanapan niya ito ng tamang show for him. Nang ipasilip niya kay Michael ang franchised show na “Killer Karaoke US Edition;’ agad-agad nagustuhan ito ni Michael.
Ani Ms. Wilma, si Michael ang bagay na host ng gagawin nilang “Karaoke Pinoy Naman.” “Maganda ang project,
kava tinanggap ko agad. At saka ninang ko sa kasal si Mam Wilma . Fulfillment ito ng promise ko sa kanya for killing all the network wars;’ wika ni Michael.
Ayaw niya ng network contract para magawa niya ang project na gusto niya. “Ayoko ‘yung sasabihin sa
akin ni Mam Wilma na, ‘O, Michael, gawin mo ang project na ito. Gusto ko ‘yung may freedom ako
to choose.”
Ang “Killer Karaoke US Edition” ay big hit sa United Kingdom, Russia, Lithuania, Poland, Portugal, Thailand, Argentina, Peru, Brazil, Ecuador at Mexico. Ang US version nito’y na-acquire ng TV5 at sinimulang i-ere every Saturday since Sept. 14. Magsisimula ang “Karaoke Pinoy Naman” on Nov. 16 at 9 p.m. sa direksiyon ni Mike Tuviera. Magiging bahagi na ito ng “Weekend Do It Better” shows ng TV5.
Sariling interpretation
Si Gina Alajar ang direktor ng remake ng “Villa Quintana” na aniya, few episodes lang ng original version nito ang pinanood niya. Tinampukan ito noon nina Keempee de Leon at Donna Cruz.
Sa remake nito, sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ang lead roles. Sa Nov. 4 ang pilot
telecast.
“Gusto ko, may sarili akong interpretation sa remake ng ‘Villa Quintana: Ayokong ma-influence ako ng original version. Modem-clay Romeo & Juliet ito at na-excite ako.
“May binawas at may idinagdag na karakter sa remake ng ‘Villa Quintana: Exdted akong katrabaho sina Elmo at Janine. They’re fine, good actors. Walang problema. Mababait at masunurin sila:’
Sa presscon pa rin ng “Villa Quintana,” nabanggit ni direk Gina na magkakaroon ng bagong project sa GMA7 ang anak niyang si Geoff Eigenmann. “Forever” ang huling teleserye nito with Heart Evangelista.
Nabigyan ng fat memo si Geoff dahil ang taba niya sa naturang teleserye. “Ayun, six months siyang walang project. Naisip niyang magpapayat. Two months siyang nag-diet at nag-gym. Kaya naman pala niyang magbawas ng timbang in two months, pinatagal pa niya (laughs):’ ani direk Gina.
Pumirma uli ng kontrata
Pumirma kamakailan ng three-year exclusive contract si Alden Richards sa GMA Network. Present sa contract-signing sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit, GMA Films president, Atty. Annette Gozon-Abrogar, Officer-in-Charge of Entertainment TV Lilybeth Rasonable, Vice President for Entertainment Marivin Arayata, Vice President for Program Support Regie Bautista, Assistant Vice President for Alternative Production Gigi Lara, Assistant Vice President for Corporate Communications Angel Javier-Cruz at Program Manager Charles Koo.
“Sobra akong happy. Naramdaman ko na tama ang desisyon namin to pursue GMA talaga. Noong nag-aaudition ako sa iba’t ibang network, na-feel ko na ang calling ko talaga ay sa GMA. Dito I feel at home.
“The way I see my career now in GMA is moving forward every year. Moving forward with good projects, good imaging and good opportunities na maibibigay sa akin. I’m just so proud to be a Kapuso,” saad ni Alden.