Walang tensiyon sa pagitan nina Dingdong Dantes at Ervic Vijandre noong nag-taping ang huli para sa guesting stint sa “Genesis.” Cool and relax ang current at ex-boyfriends ni Marian Rivera noong nagkita ang mga ito sa set. Gaganap si Ervic bilang Rodel, pinuno ng mga rebeldeng NPA (New People’s Army) at magkakaengkuwentro sila ni Dingdong.
Ayon sa mga nanood ng taping, maayos nakunan ang mga eksenang magkasama sina Dingdong at Ervic. Wala raw awkwardness sa isa’t isa. Naikuwento kaya ni Dong kay Marian ang pagkikita nila ng ex-BF nito? Kailan naman kaya magkakatrabaho sina Marian at Ervic?
This week nga pala sa “Genesis,” makakaharap na ni Sandra (Lorna Tolentino) si Shiela (Lauren Young) na anak niya sa pagkadalaga.Si Elena (Snooky Serna) ang nag-alaga at nagpalaki kay Shiela. Stage 4 na ang kanser ni Elena sa ovary,kaya ihahabilin niya si Shiela kay Isaak (Dingdong Dantes). Ayaw niyang ipaalam kay Shiela na malubha na ang sakit niya.
Magandang birthday gift kay Angelika dela Cruz ang panalo niya bilang barangay captain sa bgy. Longos, Malabon. She turned 32 on October 29, kaya double celebration para sa
Kapuso actress.
Noong kasagsagan ng pangangampanya ni Angelika ay nabalutan ng takot dahil may nagtangkang sumaksak sa kanya.Nahuli naman ang suspect at sinampahan ng kaso ni Angelika.
In any case, ipagpapatuloy pa rin ni Angelika ang kanyang showbiz career . Kung may magandang project for her ang GMA7, lalabas pa rin siya. Tinitiyak niyang hindi makakaapekto ang pag-aartista niya sa pagiging public servant niya ngayon. First time sumabak ni Angelika sa pulitika. Ang daddy Ernie niya’y dating barangay chairman, samantalang dating konsehal ang kapatid niyang lalaki na namatay sa isang aksidente a few years ago.
Tampuhang pururot
Tampuhang pururot lang ang namamagitan sa mag-amang Willie Revillame at Meryll Soriano. Gusto ni Willie na si Meryll ang mamahala ng kanyang mga negosyo. Ayaw ni Meryll dahil gusto niyang makatapos muna ng kanyang pag-aaral sa London. Interior Design and Fashion ang kanyang kurso.
May tsika na diumano, inihinto ni Willie ang pagbibigay ng tuition fee ni Meryll,kaya nagtampo ito sa ama.May punto naman si Willie kung iginigiit niya kay Meryll na pamahalaan nito ang kanyang mga negosyo. Para rin naman ‘yun kay Meryll at sa mga kapatid niya. Kanino pa nga ba dapat ipagkatiwala ni Willie ang kanyang mga negosyo,kundi sa panganay niyang anak. Magtampo nang todo si Meryll kung sa ibang tao pa ipagkatiwala ng kanyang daddy ang pamamahala sa mga negosyo nito.
By the way, kasama si Meryll sa cast ng “Sapi,” joint-venture ng Solar Entertainment at Center Stage Productions. Official entry ito sa iba’t ibang 2013 international film festivals tulad sa Busan , Rio de Janeiro, Toronto at Asia Pacific. Tampok din sina Dennis Trillo at Baron Geisler. Mula sa direksiyon ni Brillante Mendoza, ang “Sapi” ay naglalarawan ng buhay ng mga tao sa media na abala sa pagpapataas ng TV ratings at pagpapatalbugan sa mga programa. Kuwento ito ng may mahinang pananalig sa Diyos na kumikilala sa espiritu ng demonyo.
Taksil
Mamaya sa “Kahit Nasaan Ka Man,”matutuklasan ni Tino (Ronaldo Valdez) ang pagtataksil ng asawang si Sally (Vaness del Moral). Iniwan siya ni Sally at sumama sa ibang lalaki.
Magsisimula ng negosyo si Ernest (Michael de Mesa) katulong si Delia (Rita Avila). Malapit nang magkita ang mag-inang Delia at Leandro (Kristoffer Martin).