Two months nagtago si Annabelle Rama matapos siyang matalo sa nakaraang May elections. Kumandidato siya
bilang congresswoman sa Cebu.
Aniya, na-depress siya. Susubukan daw niya muling kumandidato sa susunod na eleksiyon. Mas madalas siya ngayon sa Cebu para makita ang kalagayan ng mga kababayan niya roon para in her own little way ay matulungan niya ang mga ito.
First time humarap si Annabelle sa entertainment press noong presscon para sa reality show na “It Takes Gutz to Be a Gutierrez” na tatampukan ng pamilya Gutierrez. Sobrang na-miss siya ng press, lalo na ng mga malalapit sa kanya. New look si Annabelle at bumagay sa kanya ang short hair.
Birthday niya last Oct. 30, pero aniya, wala siyang celebration dahil nasa United States pa ang beloved husband niyang si Eddie Gutierrez. Dumating lang ito a few days ago para makadalo sa presscon ng IGTBAG.
“Ayoko mag happy-happy na hindi ko kasama si Eddie, ‘noh! ‘Andun siya sa States, tapos, andito (Pilipinas) ako, nagpa-party. Ayoko ng gano’n. Siyempre gusto ko, kasama ko siya (laughs),” wika ni Annabelle na super love talaga si Eddie.
Experiment
Isa si Raymond Gutierrez sa mga nag-conceptualize ng “It Takes Gutz to Be a Gutierrez.” Aniya, noon pa’y marami nang offers sa kanilang pamilya na gumawa ng isang reality show. Kaya lang may kanya-kanya silang network contracts ng mga kapatid niyang sina Ruffa at Richard.
Now, parehas silang freelance, kava itinuloy na nila ang project na magkasama-sama ang pamilya Gutierrez. Ayon kay Raymond, una niyang kinausap si Richard. Noong pumayag ito, naging madali na kay Raymond na kumbinsihin ang ibang miyembro ng kanilang pamilya.
“We’re all excited to do it. It’s about time. It’s an experiment,” ani Raymond.
Handa na rin daw sila sa mga online bashers kapag umere na ang IGTBAG. “Kung may negativity,so be it,” saad ni Raymond na paboritong inaabangan ng televiewers sa “Showbiz Police” sa TV5. Wala kasi siyang takot magcomment sa “Stylish, Styless” segment ng programa.
More projects
Looking forward si Ruffa Gutierrez to a brighter career in 2014. Aniya, maraming pagbabago next year. May big announcement na dapat abangan.
May movie siyang kasali sa 2013 Metro Manila Film Festival at marami pang projects na naka-line up na gagawin niya next year.
Meanwhile, excited si Ruffa sa reality show ng pamilya Gutierrez na mapapanood sa January next year. “It really takes guts to be a Gutierrez,” aniya. “We’re all survivors at maraming revelations sa show.”
Industrial partners sina Ruffa, Richard at Raymond sa “It Takes Gutz to Be a Gutierrez.” ‘Yung respective talent fees nila ang kanilang share. Ang mga kapatid nilang sina Elvis, Rocky at Ritchie Paul ang babayaran ng TF per taping, avon sa kanilang mommy Anabelle, head ng Royal Era Entertainment.