HINDI isyu sa mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kung magkatapat ang kanilang respective shows sa rival networks. Magsisimula sa Sabado (Nov. 23) ang “Picture! Picture!” ni Ryan sa GMA7, 6 to 7 p.m., katapat ng “Bet on Your Baby” ni Juday sa ABS-CBN. Management decision ’yun at no choice ang Agoncillo couple dahil ani Ryan, nagtatrabaho lang sila ni Juday.
Excited si Ryan sa bagong game show na iho-host niya sa Kapuso Network. Per show ang pinirmahan niyang kontrata sa GMA at aniya, para may time siya for his family (Juday and their kids, Yohan and Lucho). Six days a week, napapanood si Ryan sa TV. Sa tanghali (Monday to Saturday), nasa “Eat Bulaga” siya. Saturday night, nasa “Picture! Picture!” (PP) siya.
Apat na contestants bilang isang team ang maglalaro sa PP na may pagkakataong manalo ng P500,000. Within 30 seconds, kailangang masagot nang tama ang 10-picture aided questions.
After a set of three questions, magtatanggal ng isang miyembro. Ang unang magba-buzz in at makakasagot nang tama ang magtatanggal ng isang player.
May “Back-ups” option para makatulong sa team na ipagpatuloy ang game. Una ang “Twin Picks” kung saan pipili ang team ng dalawang sagot mula sa tatlong choices. Pangalawa ang “Save the Picture” na kung mali ang kanilang sagot, magpapatuloy sila sa paglalaro. Sa jackpot question, within 60 seconds, kailangang masagot nang tama ang ipapakitang 50 pictures.
Todo-bawi
Nag-donate nga si Willie Revillame ng P10 million para sa mga biktima ni typhoon Yolanda, pero bawing-bawi naman siya. Doble o triple pa ang kinikita niya dahil pinaparentahan pala niya ang kanyang eroplano sa mga naghahatid ng relief goods sa kabisayaan.
Five thousand dollars per hour pinaparentahan ni Revillame ang kanyang eroplano. Ma-imagine n’yo ang limpak-limpak na perang kinikinita ni Willie sa bawat lipad ng kanyang eroplano. Kahit sitting pretty lang siya ngayon sa kanyang pagbabakasyon-grande, milyones o bilyones pa rin ang kinikita niya.
Relief operation
Todo-kilos din si Dingdong Dantes sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Sa pamamagitan ng kanyang Yes Pinoy Foundation (YPF), may relief operation din ang Kapuso Primetime King.
Katulong ni Dingdong sa repacking ng relief goods ang kanyang pamilya, mga kamag-anak, showbiz and non-showbiz friends. Nag-volunteer ang mga “kapatid” niyang tumulong sa PPL Entertainment kasama nina Gabby Eigenmann, Angelika dela Cruz, Max Collins, Jolina Magdangal, LJ Reyes, Rochelle Pangilinan and boyfriend Arthur Solinap, Carlo Gonzales and girlfriend Luanne Dy, Janno Gibbs and wife Bing Loyzaga.
Siyempre, number one supporter ni Dingdong sa kanyang YPF si Marian Rivera na bukod sa tumulong sa repacking ay nagpa-auction pa ng mga branded clothes niya. Ayon kay Dingdong, naka-focus ang YPF sa rehabilitation at pagpapagawa ng classrooms. Balak din niyang magpunta sa mga lugar na nasalanta ng bagyo para personal na masaksihan ang kalagayan ng mga biktima.
World-wide panic
Mamaya sa “Genesis,” ibubulgar ni Ramona (Jackielou Blanco) sa buong bayan ang tungkol sa Project Genesis. Malalaman na ito ng buong mundo at magkakaroon ng malawakang pagpapanic.
Magagalit si Tolits (Betong Sumaya) kay Isaak (Dingdong Dantes) dahil itinago nito sa kanya ang tungkol sa pagkagunaw ng mundo. Aaminin ni Isaak na may isinakripisyo siya kapalit ng kaligtasan nina Raquel (Rhian Ramons) at Osie (Sasha Baldosa).