No more pain, no more bitterness, no more hatred. ‘Yan ang nararamdaman ngayon ni Jennylyn Mercado sa ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo. Totally healed na siya, anang Kapuso actress nang nakausap namin sa pocket presscon ng “Rhodora X,” bagong primetime teleserye ni Jen sa GMA7 kung saan balik-tambalan sila ni Mark Herras.
Willing din ba siyang makatrabahong muli si Dennis?
“Why not? Depende kung may magandang project. Kapag nagkikita kami ni Dennis sa ‘SAS’ (Sunday All Stars), nagbabatian na kami. Hi! Hello! Casual lang, pero hindi pa kami nakakapagusap, ‘yung talagang usap,
ha?” ani Jen.
Aniya pa, nagbebeso-beso pa sila ni Dennis. “Wala nang iwasan. Hayaan na lang. Ang bigat kasi sa dibdib na maydinadala kang galit sa isang tao,” saad ni Jen na blooming na blooming ngayon kahit nursing a broken heart sa hiwalayan nila ni Luis Manzano. Ani Jen, isang buwan niyang iniyakan ‘yun.
When told na nagulat kami sa biglang paghihiwalay nila, “Ako rin nagulat (laughs). Hindi kayo nagiisa sa pagka-gulat,” she said.
Wala pang binalikan
Ayaw pangunahan ni Mark Herras ang sinasabi ng entertainment writers na baka magkabalikan sila ni Jennylyn Mercado sa reunion project (‘Rhodora X’) nila sa GMA7. Parehas silang single ngayon. Ani Mark, wala pa siyang binalikan sa mga ex-girlfriend niya.
“Kung may feelings pa ba ako kay Jen? Ewan ko. Hindi ko masabi. Basta masaya akong magkakatrabaho kaming muli. Next week na ang taping namin. Wala nang adjustment sa amin ni Jen dahil komportable na kami magkatrabaho,” pahayag ni Mark.
Aniya pa, akala niya’y hindi na matutuloy ang balik-tambalan nila ni Jen. Months ago, sinabi sa kanya ng GMA management na may project for him and Jen. “Na-excite ako. Naghintay, tapos nainip na ako. May bagong show si Jen (‘Anak Ko ‘Yan’), ako wala pa. So inisip ko, hindi na matutuloy ‘yung project namin,” lahad ni Mark.
Months later, nag-story conference sila para sa “Rhodora X” (dating “Madam X”) at ani Mark, excited na siyang mag-taping. He plays Joaquin na parehas siyang mai-involve kina Jen at Yasmien Kurdi na gaganap naman bilang magkapatid. Kasama rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez, Glydel Mercado, Gardo Versoza, Irma Adlawan, Lollie Mara, Frank Magalona at Rachelle Ann Go. Directed by Albert Langitan.
And more
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” si Alden Richards sa isang natatanging pagganap bilang OFW na nagtrabaho sa Middle East. Sa episode na pinamagatang “Kawalan ng Karapatan: The Dondon Lanusa Story,” bibigyang-buhay ni Alden ang karakter ni Dondon Lanusa na nakapatay ng isang Middle East citizen nang magtangka itong pagsamantalahan siya.
Paano niya ito nalampasan at paano siya nakabalik sa Pilipinas? Alamin sa kuwento ni Dondon mamaya pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA 7. Tampok din sina Jestoni Alarcon, Ryan Eigenmann, Marc Abaya at John Feir. Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr.
Balik si Ogie Alcasid sa kwelang segment na “The Laysa Mae Toyo Show” sa “Tropa Mo Ko Unli” ngayong Sabado. Guest ang YouTube sensation na grupong Juan Direction. Susubukan naman ang galing ni Empoy as Karate Girl. Kakalabanin niya ang isang ninja villain sa “Floor Play” segment.
May jokes ang “Tropa” cast members sa “Corny Maybe” segment at may bagong segment, “What’s Next?” Kaabang-abang na naman ang “Battle of the Brainless” segment. Tutok lang sa “Tropa Mo Ko Unli” sa TV5 at 7:30 p.m.