by Rowena Agilada
MORE than happy sina Mark Herras at Julian Trono sa kinita ng fund raising concert nila, “Sayaw Pilipinas: Aahon Ang Bayan Ko, Tutulong Ako!” na ginanap sa Zirkho (Tomas Morato, QC). Sila ang nag-conceptualize at sinuportahan sila ng mga kapuwa Kapuso stars nila.
More than P130,000 ang ticket sales, bukod pa sa nabenta nilang T-shirts na may naka-print na “Aahon ang Bayan Ko, Tutulong Ako!” at iba pang nakalap nilang donasyon.
Lahat ng kinita sa concert ay ibibigay nila sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan sa pamamagitan ng Kapuso Foundation. Ayon kay Mark, less than a week lang nila binuo ni Julian ang fund raising concert. Si Mark ang nag-text brigade sa mga Kapuso stars na agad namang pumayag mag-participate kahit walang talent fee. Naging aligaga rin siya sa pagbebenta ng ticket.
May dala nga siyang tickets noong pocket presscon ng “Rhodora X” at maski entertainment writers ay pinagbentahan niya. Sobrang thankful siya sa mga kapuwa Kapuso stars na sumuporta sa fund raising concert tulad nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Aljur Abrenica, Enzo Pineda, Rocco Nacino, Rachelle Ann Go, Rodjun Cruz, Jay-R, among others.
Magiging tatay na naman
Six months walang teleserye si Mark Anthony Fernandez after “Bukod Kang Pinagpala.” Panay lang ang workout niya, ani Mark nang nakausap namin sa pocket presscon ng “Rhodora X.”
Kasama ni Mark Anthony dito sina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi. He plays Nico na mai-in love kay Angela (Yasmien).
Thankful si Mark sa GMA7 na kahit marami nang baguhang aktor at mas bata sa kanya ay nabibigyan pa rin siya ng leading man role. Aniya, hindi naman siya choosy at kahit ano’ng role, ke kontrabida pa, walang problema sa kanya. “Trabaho lang,” he said.
Given a chance, gusto niya ng comedy role. Gusto raw niya ‘yung mala-Starzan. “Kaya ko ring magpatawa,” sambit ni Mark na nagsabi pang gusto niyang maging philanthropist.
Nabanggit din niyang magiging tatay na naman siya for the third time. Pregnant ang wife niyang si Melissa sa kanilang second baby. May anak si Mark sa isang previous relationship.
Gifted children
In line sa 3rd anniversary ng Philippine Center for Gifted Education, Inc. (PCGEI), headed by Dra.Leticia Ho, ipinagdiriwang ang National Week for the Gifted and Talented 2013. Nagkaroon ng three-day leadership training para sa mga bagong Rizal, pag-asa ng bayan 2013 sa White Knight Hotel, Casa Manila, Intramuros (Nov. 22 to 24).
Mamaya at 6 p.m. ang opening at awarding ceremonies sa Casa Ballroom, Casa Manila, Intramuros. Magpapakita ng short documentary about Filipino concepts on giftedness. Isang psychologist si Dra. Leticia Ho at aniya, sa murang edad ng isang bata (3 to 6 years old) ay kakikitaan na ito ng giftedness. Kakaiba ito sa mga pangkaraniwang bata sa mga kilos, pananalita at kaalaman sa ibang bagay. Iba ang gifted child sa autistic atjo ‘yung may down syndrome, ayon kay Dra. Ho.
Asked kung nakikita ba niyang gifted si Ryzza Mae Dizon, napailing si Dra. Ho. May iba raw siyang nakikita kay Aling Maliit. But she begged off na sabihin kung ano ‘yun.
Ani Dra . Ho, ang masasabi niyang gifted ay sina Nora Aunor at ang dating child sensation na si Nino Muhlach. May kakaiba rin daw siyang nakikita kay Aiza Seguerra at gusto nga niya itong makita at makausap for documentation.