by Rowena Agilada
SAYANG at hindi kasama sa cast ng “Rhodora X” si Rainier Castillo. Sana’y buo ang Final 4 ng “Starstruck Batch 1.” Sort of reunion nina Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi ang “Rhodora X.” Sana’y balik-tambalan din ito nina Yasmien at Rainier kung kasama sana ang huli sa cast.
Ani Yasmien, nami-miss na nga niyang katrabaho si Rainier. Dati silang love team noong nasa GMA pa si Rainier. Lumipat ito sa TV5 hoping na mas gaganda ang kanyang career doon. Pero waley (as in wala) nangyari.
Ayon kay Yasmien, noong storycon ng “Rhodora X,” nabanggit daw ni Jennylyn si Rainier. Sana raw ay kasama nila ito sa cast. Sa pagkakaalam nila, wala na itong kontrata sa TV5.
’Heard, tila nagpaparamdam si Rainier na gusto niyang bumalik sa GMA. May narinig din kaming tila hindi maganda ang paghihiwalay nila ng Kapuso Network, kaya tipong deadma lang ito sa diumano’y pagpaparamdam ni Rainier. How true?
Birthday gift
Turning 25 si Yasmien Kurdi on Jan. 25 next year at hoping siyang magiging maganda ang pasok ng 2014 sa kanyang career. Magandang birthday gift sa kanya ang offer ng GMA — papipirmahin siya ng network contract.
Ayon kay Yasmien, dapat sana’y ngayong November ang contract-signing, pero nakiusap siyang sa January next year nalang gawin ’yon.
“Feeling ko kasi, mas magandang magsimula kapag bagong taon. New year, new beginning, new hope, di ba? Feeling ko, mas maganda ang vibes kapag nagsimula ka ng bagong taon,” wika ni Yasmien.
Magandang senyales nga na sa pagpasok ng 2014 ay may bagong teleserye si Yasmien. January ang airing ng “Rhodora X” sa primetime slot ng GMA. Magsisimula ang taping nila next week.
First time
First primetime series ni Mikael Daez ang “Adarna,” kaya sobrang saya siya, anang Kapuso actor. Nanggaling si Mikael sa morning seryeng “With a Smile” with Andrea Torres and Christian Bautista.
Sina Kylie Padilla, Benjamin Alves at Geoff Eigenmann naman ang mga kasama ni Mikael sa “Adarna.” Aniya, masaya at magaan katrabaho ang mga ito. Si Kylie ay “kapatid” niya sa BMV Talent Management ni Betchay Vidanes, kaya komportable na silang magkatrabaho.
“Jolly, makulit at fighter si Kylie. She loves challenges at wala siyang reklamo sa mga ipinagagawang eksena sa kanya. Walang arte, walang kiyeme,” ani Mikael.
Taong ibon ang karakter niya sa “Adarna” at aniya, kung totoong naging ibon siya, Blue Eagle siya. ’Yun din ang pangalan ng basketball team ng Ateneo University kung saan Business Management graduate si Mikael.
Mamaya nga pala sa “Adarna,” mahuhuli ni Janelle (Chynna Ortaleza) si Ada (Kylie Padilla). Itutulak niya ito palabas ng store. Darating si Migo (Geoff Eignemann), kakaway sa fans, pati kay Ada. Nahiya si Ada kay Migo sa todo-asikaso nito sa kanya na ikinainis ni Janelle.
Ikinatuwa nina Ada at Mikay (Ryza Cenon) na pinayagan sila ni Migong manood ng ribbon-cutting. Nag-offer pa itong ihatid sila pauwi pagkatapos ng event.