CONFIDENT si Vic Sotto na magta-top grosser sa 2013 Metro Manila Film Festival ang “My Little Bossings.” Aniya, pam-pamilya ito, walang pinipiling edad at kahit ano’ng kasarian, tinitiyak niyang magugustuhan itong panoorin. “This is something new. For so many years, fantasy ang ginawa ko. Napagod na si Enteng (karakter niya sa “Okay Ka, Fairy Ko” series). Pahinga muna siya. But he’ll be back,” wika ni Vic sa presscon ng “My Little Bossings.”
“Bakit pag si Vic ang nagsabing magiging Number 1 ang MLB, hindi mayabang ang dating? Bakit pag ako, may reaction? Unfair!” joke ni Kris Aquino. Mukhang malaki talaga ang tsansang mag-top grosser ang MLB sa MMFF. Nakakaaliw ang trailer na pinaghalong comedy, drama at action.
Nakakaarte naman pala si Bimby Yap at cute ang mga eksena nila ni Ryzza Mae Dizon. May fight scene pa si Bimby.
Ani Vic, noong mga first few shooting days, hindi pa maintindihan ni Bimby ang paligid niya. Parating nagtatanong. But after a while, lumabas na ang talent ng bagets.” He’s a good boy. Masunuring bata, madaldal din (laughs),” ani Vic.
Di invited
Tsika naman ni direk Marlon Rivera, noong una, ayaw ni Bimby magpa-make-up. Dirty raw. Noong last three shooting days na nila, nauupo, nahihiga na ito sa kalsada at sumasabay na sa pagkain nila.
Proud mom naman si Kris Aquino at aniya, bukod sa ikinuha niya si Bimby ng sariling stylist, may acting coach pa ang bagets. “Gusto ko, maipagmalaki ni Bimby sa mga magiging anak niya pag pinanood nila ang ‘My Little Bossings.’
May nagtanong kay Kris kung invited ba si James Yap sa premiere night ng MLB. Isang mariing “NO!” ang sagot ni Kris. NA (No reaction) naman si Bimby.
May nagtanong naman tungkol sa nakaraan nila ni Vic Sotto. “Hindi naging kami. We’re just good friends. I know my boundaries. We respect each other. Why complicate life? “she said. Ibinuko pa ni Kris na parating dumadalaw si Pauleen Luna sa set ng MLB.
Ibinenta na
Ibinenta na pala ni Willie Revillame ang kanyang Wil’s Events Place, malapit sa ABS-CBN. Gusto raw kasi niyang mag-focus sa kanyang Wil Tower Mall (WTM) na katapat ng Kapamilya Network. High-end ito na sosyal na sosyal ang ambience.
Ang mga chandelier, sobrang bongga. Pang-mayaman talaga. Hanggang tingin na lang ang mga cannot afford na mamili sa WTM. Si Willie, simpleng-simple lang ang kasuotan kapag nagpupunta. Naka-t-shirt, puruntong shorts at rubber slippers lang. Di aakalaing siya ang may-ari ng sosyal na mall.
May nakapagtsika pa sa aming diumano’y nagpapagawa ng tatlong cargo ships si Willie. Paparentahan daw ang mga ‘yun sa mga negosyanteng nagdadala ng mga kalakal sa Visayas at Mindanao. ‘Yung eroplano naman ni Willie ay pinaparentahan din niya.
Trahedya
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” si Sunshine Dizon na gaganap bilang Love Anover. Pinamagatang “Sa Mata ng Daluyong: The Typhoon Yolanda Tragedy,” ilalahad ni Love kay Mel Tiangco ang mga naging karanasan niya pati ng ibang kasamahan niya sa news sa ginawa nilang coverage sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Kabisayaan.
Isang espesyal na handog ito ng “Magpakailanman” para sa mga typhoon victims. Ikukuwento rin ni Love ang mga nasaksihan nila kung paano hinarap ng mga taga-Leyte ang trahedyang sinapit ng mga ito. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.