MULA sa matagumpay na “My Husband’s Lover” series, mapapanood naman si Rodjun Cruz sa “Akin Pa Rin ang Bukas.” Gaganap siya bilang Cyrus, isang private detective na kinuha ni Lovi Poe (Lovelia) para mag-imbestiga sa pagkamatay ng ama nitong si Roel Villacorta (Gary Estrada) at sa tangkang pagpatay sa kanya (Lovelia).
Nag-taping na si Rodjun at naka-eksena niya si Cesar Montano. Asked kung napag-usapan ba nila ang pinsan niyang si Sunshine Cruz, sabi ni Rodjun, “Hindi. Ayokong manghimasok kung anuman ang problema nila. Labas ako roon.”
Hindi naman daw siya nailang kay Cesar dahil nagkatrabaho na sila sa “Bida si Mister, Bida si Misis” with Maricel Soriano noong bata pa siya, ayon kay Rodjun. “Mabait, supportive at professional si Kuya Buboy. Masaya akong magkatrabaho kaming muli sa ‘Akin Pa Rin ang Bukas.’ I’m very grateful to GMA7 na isinama ako sa teleseryeng ito. Ang gagaling ng cast members, pati ang direktor naming si Laurice Guillen.”
No sibling rivalry
Walang network contract si Rodjun sa GMA, pero sobrang thankful siya dahil isinasama siya sa magagandang projects. Malaking bagay raw ’yung exposure niya sa “My Husband’s Lover.” Marami na ang nakakakilala sa kanya ngayon. Mainstay na rin si Rodjun sa “SAS” (Sunday All Stars) at nabigyan din siya ng pagkakataong maging team leader.
Asked kung may sibling rivalry ba sila ni Rayver Cruz na isang Kapamilya talent, “Wala! Nagsusuportahan kaming magkapatid. Walang inggitan,” lahad ni Rodjun. Aniya pa, magkasama pa rin sila ni Rayver sa isang bahay with their mom Melody (younger sister ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte).
Older si Rodjun (Rodolfo Jotello, Jr.) kay Rayver (Raymond Oliver) by one year and 9 months. He’s 26 years old at pangalawa sa tatlong magkakapatid (all boys). Randolf Omar ang pangalan ng kanilang panganay. May half-brother sila sa kanilang daddy, ang dating sexy actor na si Gino Ilustre. Ulila na sila sa ama.
Girlfriend ni Rodjun si Dianne Medina na isa ring artista. Six years na sila together, pero ani Rodjun, wala pa sila planong magpakasal. “Trabaho muna kami pareho,” he said.
Si Cristine Reyes naman ang ex-girlfriend ni Rayver at ayon kay Rodjun, mas okey ang kapatid niya noong naghiwalay ito at si Cristine. Pero friends pa rin daw ang dalawa hanggang ngayon.
Nahirapan
Two years nag-research ang writer-director na si Francis Villacorta tungkol kay Pedro Calungsod. Aniya, nahirapan siyang humanap ng producer dahil walang interesado. Wala raw market ang ganoong klaseng pelikula.
Pero hindi siya nawalan ng pag-asa na maisapelikula ang buhay at martyrdom ni Pedro Calungsod. May nakilala siyang producer, si Ms. Ida Tiongson. Gusto sana nitong tanggihan ang project. Pero anang lady producer, hindi siya nakatulog na parang may nagbubulong na gawin nila ang project.
Two weeks bago ang deadline ng submission ng entries sa 2013 Metro Manila Film Festival, nagdesisyon siyang isumite ang “Pedro Calungsod: Batang Martir.” “This film is in line with the New Evangelization thrust of the Catholic Church in the country. Layunin naming maipakilala sa mga kabataan si Pedro Calungsod,” wika ni Direk Francis. He was canonized in the Vatican Church in Rome, Italy in October 2012.
“Pedro Calungsod: Batang Martir” stars Rocco Nacino, Christian Vasquez, Jestoni Alarcon, Carlo Gonzales, Ryan Eigenmann, Victor Basa, Mico Palanca, Arthur Solinap, Jao Mapa, etc.