HABANG hindi pa busy si Marian Rivera sa bago niyang primetime series sa GMA7, regional shows nationwide ang pinagkakaabalahan niya. Aktibo rin ang Kapuso Primetime Queen sa pagtulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nag-volunteer pa si Marian para makasama sa Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa distribution ng relief goods sa Cebu.
Aniya, kakaiba ang nararamdaman niyang fulfilment sa ginagawa niyang pagtulong, lalo na noong nakita niya ang kasiyahan sa mga mukha ng typhoon victims noong nakita siya ng mga ito. “At least, kahit papaano, napagaan ko ang bigat na dinadala nila sa kanilang dibdib dahil sa trahedyang sinapit nila,” wika ni Marian.
Nagkaroon din ng medical mission sa Kabisayaan ang GMAKF, katuwang ang Central at Eastern Visayas stations. As of Nov. 27, nakalikom na ang GMAKF ng mahigit P195 million in cash and in kind para sa Yolanda victims. Patuloy pa rin ang relief operation sa Cebu, Iloilo at iba pang lugar sa Kabisayaan hanggang Dec. 13.
Ayaw masumbatan
Gusto ni Kris Aquino na sumunod sa footsteps ni Luis Manzano ang anak niyang si Bimby Yap. Gusto niyang maging host din ito paglaki. Pero ani Kris, hindi niya pipilitin si Bimby kung may iba itong hilig. “Kung gusto niyang mag-pulitika, maging athlete or what, bahala siya. Okey lang, susuportahan ko siya,” she said.
Hindi masabi ni Kris kung magtutuluy-tuloy sa pag-aartista si Bimby pagkatapos ng “My Little Bossings.” Ani Kris, priority pa rin ang pag-aaral ng bagets at ang kalusugan nito. “Ayokong isumbat sa akin ni Bimby na pinagtrabaho ko siya at an early age,” saad ni Kris.
Aniya pa, ang earnings ni Bimby sa commercial endorsements at sa “My Little Bossings” ay nasa Trust Fund na hanggang college na niya. “When he’s older makikita niyang lahat ng kinita niya para hindi niya masabing nilustay ko ang pera niya. Sabi niya, ise-share niya ’yun sa kanyang Kuya Josh.”
Search for MMHSA
Ini-launch kamakailan ng Hotel Sogo ang first search for Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors (MMHSA).
Ipinakilala sa press ang 16 candidates (8 male, 8 female), namely Vince Vargas, Paul Andrew Belmonte, Reamark Reduccion, Paul John Andasan, Angelo Erico Gabriel Bour Marzan, Justine Ray Labandelo, Rendon Eligino Labador, Frederick Edward Castor, Patria Lorinne Belmonte, Glaiza Sarmiento, Zandra Ramos, Avi Karlyn Pascual, Bernadette Melissa Paez, Angelica Oba, Honeylette Abiad at Andrea Fatima Infante. Eighteen to late twenty’s ang edad ng mga contestant.
Ang naturang search ay para sa mga kabataang may advocacy para mag-promote ng goodwill, Filipino culture and values. Magsisilbing role models ang mga candidate sa ibang kabataan with similar goals and personal characteristics.
Ang search for Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors ay 13-segment program na bahagi ng “Gandang Ricky Reyes” sa GMA News TV. Itatampok ang buhay, inspirations at advocacies ng 16 aspiring ambassadors. Magkakaroon sila ng series of activites sa pagtulong sa ibang tao.
Ang magwawaging Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors ay ipapahayag sa Gala Night (Finals Night) early next year. May panel of judges at ang score ng candidates ay ibabase sa program activities (50%) at Gala Night (50%). May P50,000 cash prize each ang male and female winners.