Kung nagpunta sa Cebu kamakailan si Marian Rivera at namahagi ng relief goods para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, nasa Iloilo naman last week si Dingdong Dantes . Namahagi rin siya ng relief goods bilang bahagi ng Oplan Bethlehem ng kanyang Yes Pinoy Foundation.
Nakasama ni Dingdong ang mga “kapatid” niya sa PPL Talent Agency na sina Max Collins at Rochelle Pangilinan.
In between his taping days sa “Genesis,” talagang naisisingit pa rin ni Dingdong ang pamamahagi ng relief goods. Pwede namang magtalaga na lang siya ng mga tauhan niya, pero mas gusto niyang siya ang personal na magtungo sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Yolanda. Anang Kapuso Primetime King, iba ang pakiramdam niya kapag nakikita niya at naaabutan ng tulong ang mga kababayang nangangailangan.
Inamin na
Siguro naman, hindi na magpapakiyeme pa si Enzo Pineda sa tunay na estado ng relasyon nila ni Louise delos Reyes. Inamin na ng Kapuso actress sa mga nakausap na entertainment writers sa taping ng isang TV show na nagkabalikan na sila ni Enzo.
Ayon kay Louise, three years na sila together ni Enzo. For a while, nag-cool-off sila. Pero naayos din nila kung anuman ang naging problema nila. Happy hearts na naman sila ni Enzo. Aminin mo na kasi, Enzo. Huwag mo nang i-play time ang press. Bad ‘yun.
Proud
Proud si Jestoni Alarcon na bahagi siya ng “Pedro Calungsod:Batang Martir.” Official entry ito sa 2013 Metro Manila Film Festival na si Rocco Nacino ang gumaganap sa title role.
Isang sundalong kastila ang role ni Jestoni. Aniya, sobrang sakripisyo ang ginawa niya sa paggawa ng naturang pelikula. Kapag 6 am ang call time niya, gumigising siya nang maaga at nagbibiyahe ng 3 am papuntang Lobo, Batangas kung saan ang location shoot. Nag-shoot din sila sa Zambales.
Aniya, sulit naman ang lahat ng hirap at pagod niya,pati ang ibang cast members dahil tunay na maipagmamalaki nila ang “Pedro Calungsod:Batang Martir” ni dinirek ni Francis Villacorta.
Bisi-bisihan naman ngayon si Jestoni sa taping ng “Adarna” kung saan gumaganap siya bilang Simon, ang ama-amahan ni Ada (Kylie Padilla). Siya ang tagapagtanggol nito laban sa pang-aapi nina Jinky (Maureen Larrazabal) at Janelle (Chynna Ortaleza). Tutok lang gabi-gabi sa mga kaganapan sa “Adarna” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7.
Distant relative
Distant relative ni House Speaker Sonny Belmonte ang magkapatid na Paul Andrew at Patria Lorinne Belmonte. Candidates ang mga ito sa search for Mr. and Ms. Sogo Hotel Ambassador. Ayon kay Patria, tiyuhin nila si Speaker Belmonte, pero bihira nila itong makita o makausap.
Patria is 24 years old at 22 naman si Paul Andrew. Taga-Marikina sila. May hawig si Patria kay Alyssa Alano, co-host sa “Startalk.” Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, gusto rin ni Patria subukan ang pag-aartista.
Professional freelance model siya. Mahilig siya mag- wakeboarding at mag-out-of-town. Si Andrew naman ay tumutulong sa kanilang family business.