ALMOST P1 million ang kinita ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa auction ng mga personal nilang gamit. Ito’y ayon kay Ogie nang nakausap namin sa taping ng “Tropa Mo Ko Unli” sa STI Cainta.
Ang nalikom nila sa auction ay idinonate nila sa mga biktima ng bagyong Yolanda. “Mga rich ang fans ni Regine. Nabili ‘yung Hermes bags niya. Ang fans ko, hindi masyadong rich;’ pabirong wika ni Ogie.
‘Yung Prada shoes niya na binili ni Regine for him ay ipina-auction niya, ayon kay Ogie. Hindi pa niya ‘yun nagamit dahil malaki ang size. Hindi naman sumama ang loob ni Regine nang ipa-auction niya ‘yon. “Kesa naman nakatambak lang ‘yun. Mabuti na ‘yung may ibang taong makagamit,” katwiran ni Ogie.
Pati mga laruan at damit na pinagliitan ng anak nilang si Nate, ipina-auction din nila. Super kulit at malikot na si Nate. Binali nito ang kanyang eyeglasses at nang ipagawa niya, ang mahal ng ibinayad niya, tsika niOgie.
May Visayan accent daw si Nate kapag nagsasalita dahil Bisaya ang mga kasambahay nila. Nate calls him daddy, honey, Ogie. Naririnig daw kasi ng bagets na tinatawag siyang honey o Ogie ni Regine. Regen (sa
bigkas Bisaya) naman daw ang tawag ni Nate kay Regine na naririnig nito sa mga kasambahay nila.
Pampatulog nila kay Nate ang kanta ni Regine mula sa bagong album nito na pinapatugtog nila.
Pag kanta ni Ogie, ayaw matulog ni Nate. “Sasabihin ko sa kanya, singer din ang daddy mo. Hende! (bigkas Bisaya) ang isinasagot niya sa akin,” wika ni Ogie.
Di pa naibibigay
Pinag-iisipan pa ng pamilya Abrenica kung sa resort nila sa Batangas o sa bahay nila sa Pampanga sila magpa-Pasko. Sa Singapore naman o sa Malaysia sila magnu-New Year, ayon kay Vin Abrenica nang nakausap namin sa taping ng “Tropa Mo Ko Unli (TMKU)” sa STI Cainta. Ayon sa “Artista Academy” (TV5) male winner at younger brother ni Aljur Abrenica, super close ang pamilya nila, kaya they always see to it na magkakasama sila kapag may special occasions.
Bahagi ng premyo ni Vin bilang AA male winner ang isang condominium unit somewhere in Sucat, Paranaque. Pero aniya, hindi pa naibibigay ‘yun sa kanya. Nakuha na niya ang P1 million cash prize na idineposit niya sa bangko. ‘Yung Innova car na bahagi rin ng kanyang premyo ay for family use, ayon kay Vin.
Kumusta naman sila ni Sophie Albert (AA female winner)? Nadatnan namin sila sa taping ng TMKU na mine-make-up-an siya ni Sophie. “Hindi kasi ako marunong magmake-up,” nakangiting depensa ni Vin.
“Kayo na raw?” tanong ng press. “Hindi! Malalim lang ang nabuong friendship sa amin sa ‘Artista Academy.’ Iba ‘yung pinagdaanan namin. Di ba, lahat kami, magkakalaban noon? After the competition, naging magkakaibigan kami,” lahad ni Vin.
Inamin niya, crush niya si Sophie. Hanggang du’n lang muna dahil career ang priority niya, ayon kay Vin. “One year pa lang kami sa showbiz. Wala pa kaming napapatunayan,” he said.
And more
May dalawang special screenings bukas ang “Bamboo Flowers” sa SM Megamall Cinema 4, 5:30 p.m. and 8:30 p.m. Directed by Maryo J. delos Reyes na isang Boholano, ang kikitain ay para sa project ng Oplan Bangon Bohol Fundraiser Phase 11 na mag po-focus sa rebuilding ng Bohol Parochial Schools.