AMININ man o hindi ng kampo ni Anne Curtis, naapektuhan ang kanyang kasikatan ng sampalan incident sa isang bar. May nagtsika sa aming diumano, noong nagperform si Anne sa ginanap na concert ng Kapamilya stars sa Smart-Araneta Coliseum, mahina raw ang palakpak ng audience, kumpara sa ibang Kapamilya stars na pinalakpakan at tinilian nang bonggang-bongga.
Tsika pa ng source, noong may kausap si Anne, tipong iritable raw ito at tina big pa nito ng kamay ang kausap. Ramdam daw siguro ng Kapamilya actress ang malamig na pagtanggap sa kanya ng audience. Sayang! Dahil sa misbehavior ni Anne, ‘yun ang kapalit.
Ewan kung kami lang ang nakakapansin na tipong nabawasan na o madalang na ang paglabas ng TV commercials ni Anne. Dati kasi, kapag may commercial gap, napapanood namin si Anne sa iba’t ibang endorsements.
TV special
Kahanga-hanga ang ginawang pagpunta ni Justin Bieber sa Tacloban, Leyte. Hindi lang siya nag-abot ng tulong sa Yolanda survivors, nakipaglaro pa siya ng basketball at kinantahan pa niya ang mga tagaroon.
Mukhang napamahal na kay Justin ang Pilipinas at panay ang post niya ng pictures niya kasama ang Yolanda survivors. Yakap niya ang isang bata sa isang picture na nilagyan pa niya ng caption na ”True happiness” at “One of the reasons why I love you.”
Ang pagpunta ni Justin sa Tacloban ay bahagi ng kanyang #Give Back Philippines campaign, on-line project niya sa pakikipagtulungan ng Smart, PLDT at TV5. Close to $1,000,000 na ang nakakalap na pondo para sa Yolanda survivors.
“I’ve never done this before. This is the most important trip of my life,” tweet ni Justin.
Ang TV5 ang exclusive broadcaster ng #Give Back Philippines trip ni Justin sa Pilipinas. Balita namin, may inihahandang TV special ang Kapatid Network para sa international singer.
Sanib-puwersa
Tinotoo ni Mother Lily Monteverde ang kanyang sinabing wala nang “Shake, Rattle & Roll” series ngayong 2013 Metro Manila Film Festival. Pero may horror movie pa ring mapapanood at nag-sanibpuwersa ang Regal Entertainment at Star Cinema sa project na ito.
“Pagpag, Siyam Na Buhay” ang kanilang offering at bahagi ito ng 20th anniversary celebration ng Star Cinema. Tampok sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, kasama sina Paulo Avelino, Shaina Magdayao, Matet de Leon, Miles Ocampo, Dominic Roque, CJ Navato, Michelle Vito, Janus del Prado at Marvin Yap. Sa direksiyon ni Frasco Santos-Mortiz (anak ni direk Edgar “Bobot” Mortiz).
Unang nag-sanib-puwersa ang Regal Entertainment at Star Cinema noong 1993 sa “Adan Ronquillo” na pinagbidahan ni Bong Revilla na senador na ngayon. This year, naulit ang jointventure ng dalawang film outfits.
Tungkol sa siyam na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol ang “Pagpag, Siyam na Buhay.” Hango ang “Pagpag” sa pamahiing hindi dapat dumiretso sa bahay matapos makiramay at bumisita sa isang burol dahil maaaring sumunod ang malas at masasamang espiritu.
First horror movie ito ni Daniel na aniya, sobrang physically tiring at kailangan, laging mataas ang emosyon. Second time naman ni Kathryn na unang nakagawa sa isang episode ng “Shake, Rattle & Roll 13 (2011). “Exciting gumawa ng horror. Nakakapagod lang, nakakapaos ng boses sa kasisigaw,” ani Kathryn.
Christmas special
Abangan ang Christmas special ngayong Linggo ng “Kapuso Mo: Jessica Soho,” tampok si Robin Padilla sa isang boodle fight sa pagitan ng mga sundalo, Kristiyano at Muslim. Sa pamamagitan ng mga kanta ni Yoyoy Villame na isang Boholano, ipapakita ni Mark Bautista ang mga tradisyon sa Bohol sa tuwing sumasapit ang
Pasko.