HINDI feel ni KC Concepcion na inili-link siya kay Phil Younghusband. Halatang iritable raw ang aktres nang interbyuhin ng ilang entertainment writers at tanungin ito tungkol kay Phil. Ani KC, hindi niya kilala ang Azkals player na ex-boyfriend ni Angel Locsin.
Itinanggi ni Phil na nanliligaw siya kay KC. So, saan nanggaling o kanino nagsimula ang pagli-link sa kanila? May pahayag pa si Phil na mahal pa rin niya si Angel.
Nali-link din si KC kay Paulo Avelino, pero parang okey lang ’yun sa aktres. Nilinaw ni KC na hindi sila exclusively dating. Sa isang interbyu kay Paulo, sinabi niyang lately ay hindi na sila nakakalabas ni KC dahil parehas silang busy.
Magkalaban ang festival entries nila sa 2013 Metro Manila Film Festival. “Shoot to Kill: Boy Golden” ang kay KC with Governor E.R. Ejercito at “Pagpag: Siyam Na Buhay” ang kay Paulo with Daniel Padilla, Kathryn Bernardo and Shaina Magdayao under Star Cinema and Regal Entertainment.
Prodyus naman ni Gov. E.R. ang “Shoot to Kill: Boy Golden.” Masungkit na kaya niya ang MMFF best actor award this year? For two consecutive years (2011 and 2012) tinalo siya ni Dingdong Dantes (“Segunda Mano” at “One More Try”). Walang festival entry this year ang Kapuso Primetime King.
Inggit-inggitan
Inggit-inggitan daw si Christian Bautista kay Justin Bieber na nauna pang nagpunta sa Tacloban Leyte, kesa sa kanya at sa ibang local celebrities. Pinasaya ni Justin ang Yolanda victims kahit dalawang oras lang siyang nanatili roon. Ang layo pa ng pinanggalinggan ni Justin at talagang nag-effort siyang pumunta sa Tacloban.
How true, kinukunsider daw ni German Moreno na ilagay ang pangalan ni Justin sa Walk of Fame sa Eastwood, QC next year? May mga mag-react kaya?
Going back to Christian, gusto rin daw niyang pumunta sa Tacloban para pasayahin ang mga biktima ng bagyong Yolanda. Si Willie Revillame ay nakatakdang magtungo roon on Dec. 21 para mag-show with his staff, mga kaibigang artista at dancers. Mamamahagi rin sila ng relief goods.Kung hindi pa kay Justin Bieber, mag-effort pa kaya ang ibang local celebrities pumunta sa Tacloban? O, na-inspire lang sila sa international singer?
Si Jennylyn Mercado na nagsabing pupunta siya sa Tacloban ay hindi pa rin natutuloy roon. Si Ogie Alcasid ay nagsabi ring pupunta siya sa Tacloban sa January next year kasama ang ilang OPM singers para mag-show.
PIFF
Magkakaroon ng 1st Philippine International Film Festival ang “Cine Totoo,” special project ng GMA News TV Channel 11. Ang mapipiling 11 Filipino documentarists ay pagkakalooban ng P150,000 each para sa ipoprodyus nilang dream documentary na ipalalabas next year sa local theaters for competition. Three winners will be chosen: Best Documentary Film, Special Jury Award at Audience Choice Award. Bukod sa trophies, may cash prize rin at ipalalabas din ang mga ito sa primetime slots ng GMA News TV Channel 11.
Ang “Cine Totoo” ay binubuo ng award-winning documentary producers led by festival director Joseph Laban. Magkakaroon din ang festival ng ASEAN competition section para sa feature length documentary films mula sa iba’t ibang region. Sa Jan. 10, 2014 ang deadline ng submission ng entries. Para sa ibang detalye, mag-download sa info@cinetotoo,com or sa facebook.com.cinetotoo