by Rowena Agilada
PERSONAL choice ni Robin Padilla si Alden Richards para makasama sa “10,000 Hours,” kaya naman sobrang happy and honored ang Kapuso actor. Aksiyunaksiyunan sa pelikulang ito si Alden na gumaganap bilang isang batang pulis. Official entry ang “10,000 Hours” sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Nanghinayang lang si Alden na wala silang eksenang magkasama ni Robin. Aniya, sa storycon lang sila nagkita. But then, happy and proud na rin si Alden na bahagi siya ng festival movie na ito.
Third time na ito ni Alden magkaroon ng MMFF entry. Una’y noong 2011 kung saan kasama siya sa “Ang Panday” ni Senator Bong Revilla. Pangalawa’y last year na dalawa ang pelikula ni Alden, “Si Agimat, si Enteng Kabisote at si Ako” at “Sossy Problems.”
May bago ring teleserye si Alden na early next month ang airing. Love interest siya ni Marian Rivera sa “Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo.” Kanya-kanya munang teleserye si Alden at ang ka-Iove team niyang si Louise delos Reyes na mapapanood naman sa “Kambal Sirena” with Aljur Abrenica.
Bawal
Mag-MU (as in mutual understanding) lang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Anila, hindi pa nila ginagawa ‘yung karaniwang ginagawa ng mga totoong magdyowa.
Hanggang holding hands at yakapan lang sila. Sabi ni Kathryn, mahigpit kung makayakap sa kanya si Daniel.
MU lang sina Daniel at Kathryn pero pinagbabawalan nila ang isa’t isa na makipagkaibigan o makipag-close sa ibang tao. Bawal makipagkaibigan si Kathryn sa ibang boys, pwede raw kung gay friends. Bawal din kay Daniel makipag-friend o lumabas kasama ang ibang girls. Ang kiyeme naman ng dalawang bagets. Ayaw pang umamin sa totoong estado ng kanilang relasyon, obvious namang may “something” na sila, lalo na si Kathryn na hindi maitago ang tunay na nararamdaman kay Daniel. Unless, umaakting lang sila para pakiligin ang kanilang fans. Sana lang, suportahan ng mga ito nang wagas na wagas ang “Pagpag, Siyam Na Buhay” na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn. Entry ito sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Charity project
Personal project ni Janno Gibbs ang “Bangon Kaibigan.” Aniya, nainspire siyang sulatin ang kantang ito habang pinanonood niya sa TV ang mga kaganapan sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda. Naisip niya na magandang project na pagsama-samahin ang mga Kapuso artists sa kantang ito.
Iprinisinta ni Janno sa GMA executives ang kanta at agadagad ay pumayag ang mga ito na gawing charity project. Kinausap ni Janno ang mga Kapuso stars na ibahagi ang kanilang talento. Mensahe ng “Bangon Kaibigan” na sa kabila ng trehedyang nangyari ay may pag-asa at galak pa rin ngayong Kapaskuhan. Ini-Iaunch ang music video last Sunday sa SAS (Sunday All Stars).
“Bangon Kaibigan” will be sold in iTunes at sa iba pang on line venues. Ang proceeds ay para sa relief operations sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation. Ipapa-auction naman online ang mga autographed t-shirts ng Kapuso stars.