HINDI pa man nag-uumpisa ang 2013 Metro Manila Film Festival, may nakahanda nang project si Governor E.R. “Jorge Estregan” Ejercito para ilahok sa 2014 MMFF. Aniya, pambata naman ang gagawin niya, “Pedro Penduko at si Maria Makiling” with Angel Locsin na si Erik Matti ang direktor. Mag-uumpisa silang mag-shoot sa March next year.
Binabalak din ni Gov. ER gawin ang isang true-to-life story base sa isang pamilya na minasaker sa Samar. Pamamahalaan ito ni direk Chito Rono na isang Samareno. Si Rono ang direktor ng “Boy Golden: Shoot to Kill,” entry sa 2013 MMFF topbilled by Gov. ER with KC Concepcion. Inspired ito sa life story ni Arturo Porcuna, isang notorious gangster noong Dekada 60.
“Mas gusto kasi ng moviegoers na mapanood ako bilang isang gangster,” ani Gov. ER sa presscon. Aniya, hindi na siya umaasang mananalong best actor sa “Boy Golden: Shoot to Kill.”
Mas magaling kay Sharon
Si KC Concepcion ang leading lady ni Gov. ER sa “Boy Golden: Shoot to Kill” at puring-puri ng huli ang acting ng anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. “Magaling si KC sa pelikulang ito. Ibang KC ang mapapanood. Pag hindi siya nanalong best actress, nadaya siya. Mas magaling si Ms. KC kesa kay Sharon,” maigting na sambit ni Gov. ER. Aniya pa, hinding-hindi makakalimutan ni KC ang pelikulang ito.
First time ni Gov. ER nakatrabaho si direk Chito Rono at aniya, napakalakas ng boses nito sa set. Sobrang disciplinarian. “Napakagaling niyang direktor. Hollywoodish ang style niya. Sana makahakot din kami ng awards sa MMFF,” sambit ni Gov. ER.
Aniya pa, commitment niya sa namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr. ang gumawa once a year ng isang pelikula. Noong mayor pa siya ng Pagsanjan, Laguna, kinausap siya ni FPJ at sinabihan siyang huwag pababayaan ang movie industry at ang Actors Guild o Kapisanan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).
Naging Actors Guild president si Gov. ER. “Gumagawa ako once a year ng pelikula para matulungan ko ang mga taga-industriya. Ang production staff, crew, utility at mga kapuwa ko artista,” he said.
Break na rin
Humabol sina Rhian Ramos at KC Montero sa mga artistang nag-break ngayong taon. Ani Rhian sa isang interbyu, mutual decision nila ni KC na mag-break. Walang sinabing dahilan ang Kapuso actress at aniya pa, nananatiling good friends sila ni KC. Nag-uusap at lumalabas pa rin sila.
Hindi affected si Rhian sa break-up nila ni KC at masaya pa rin siya sa taping ng “Genesis.” Last two weeks na lang ito sa ere at pinaaabangan ni Rhian ang mga pasabog sa nalalapit na pagtatapos nito.
Inaabangan naman ang guest appearance ni Robin Padilla sa “Adarna” na pinagbibidahan ng anak niyang si Kylie. Anang action star, walang problema sa kanya, basta ibigay lang sa kanya ang hinihingi niyang role. Ayaw niyang mamamatay ang karakter niya.
Thankful naman si Kylie sa suporta ng mga sumusubaybay ng “Adarna.” Nakakataba raw ng puso ang positive comments sa naturang fantaserye. Kanya-kanyang bet ang fans kung sino ang gusto nila para kay Kylie. May maka-Geoff Eigenmann, may maka-Mikael Daez at may maka-Benjamin Alves na maangas ang dating. Sikat na athlete-businessman naman si Geoff at taong-ibon si Mikael na kauri ni Kylie (bilang Ada)