KUNG sinabi ni Governor ER “Jorge Estregan” Ejercito na mas magaling na aktres si KC Concepcion sa mama Sharon Cuneta nito, salungat naman ang pahayag ni direk Chito Rono. “I cannot say she’s (KC) a better actress than Sharon,” wika ni direk. “She’s young. She has the drive, willing to learn more about her craft,” ayon pa kay direk Chito.
Nagkatrabaho sina direk Chito at KC sa “Boy Golden: Shoot to Kill” at ani direk, challenge sa kanya na idirek si KC. Iba raw kasi ’yung napapanood ito sa TV, kesa sa pelikula. Aksiyun-aksiyunan si KC sa “Boy Golden: Shoot to Kill” na ayon kay direk Chito’y the longest fight scene ever na kinunan niya. Kaeksena ni KC ang isang aktres mula sa Thailand.
Humanga rin si direk Chito sa aerial dance ni KC na opening scene ng pelikula. Matagal nakasabit sa ere si KC at bonggang-bonggang naitawid nito ang eksena. Si Douglas Nieras ang dance intructor ng dalaga.
May kissing scene sina KC at Gov. ER at ayon kay KC, medyo nailang siya dahil sa kanilang age gap. First time niya kasi nagkaroon ng romantic interest na hindi niya ka-edad. Like a real trouper, pumayag si KC. Sa action scenes niya, malaki ang naitulong ni Gov. ER, ani KC.
Sumakit ang mga tuhod
Aksiyun-aksiyunan din si Bela Padilla sa “10,000 Hours.” Humahawak siya ng baril at nakikipagbarilan sa ilang eksena. Ang tito Robin (Padilla) niya na kasama niya sa pelikula ang nagturo sa kanya, ani Bela.
May eksena silang dalawa na parehas silang tumatakbo at ayon kay Bela, sumakit ang mga tuhod niya. Sa Amsterdam sila nag-shoot at sobrang lamig daw doon. Ang bilis-bilis pa raw tumakbo ng tito Robin niya.
Over two weeks sila sa Amsterdam at kuwento ni Bela, alas-kuwatro pa lang ng umaga’y gising na ang kanyang tito Robin. Nagdya-jogging ito bago mag-report sa shoot nila na 6 a.m. ang call time.
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang “10,000 Hours” na entry sa 2013 Metro Manila Film Festival. Action-drama ang genre at kalaban nito ang “Boy Golden: Shoot to Kill” ni Gov. ER.
Happy heart na naman
Hindi na malamig ang Pasko ngayon ni Camille Prats. May makakasama na siyang boyfriend ngayon. Ilang taon na ring biyuda si Camille matapos mamatay ang asawa niyang si Anthony Linsangan. May isa silang anak na lalaki, si Nathan.
Muling tumibok ang puso ni Camille nang nakilala niya ang isang non-showbiz guy. Happy heart na naman ang Kapuso actress. Kailan naman kaya ang kasalan?
Baka naman maunahan na naman ni Camille ang kanyang kuya John? Mukhang tahimik yata ang relasyon nito at ni Isabel Oli.
Iniwan ng asawa
Balik-directing si Michael de Mesa at siya ang nagdirek ng episode ng “Magpakailanman” na mapapanood ngayong Sabado pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.
Pinamagatang “Kislap ng Parol,” Christmas presentation ito tungkol sa pamilya. Iniwan si Marissa ng kanyang asawa at ipinagpalit siya sa ibang babae. Ginawa niya ang lahat para bumalik sa kanya ang asawa niya.
Sampung taon ang nakalipas. Mabuo pa kayang muli ang pinapangarap ni Marissa para sa kanyang pamilya? Tampok sina Eula Valdez, Diva Montelaba, Ruru Madrid at Nova Villa.