ININTRIGA ng isang entertainment writer si Tonton Gutierrez sa presscon ng “Boy Golden: Shoot to Kill” tungkol sa billing ng pangalan niya sa poster. Nauna kasi ang pangalan ni John Estrada, kasunod ang kay Tonton. Ayon sa entertainment writer, seniority-wise, dapat mauna si Tonton. Besides, may acting awards na siya.
Napangiti lang si Tonton at ang manager niyang si Lolit Solis ang itinuro. Ito raw kasi ang nakakaalam sa billing ng kanyang pangalan. Ani Tonton, hindi siya billing-conscious. Pag gumagawa siya ng pelikula, mas pinagtutuunan niya ang pagatakeng ginagawa niya sa role na ibinibigay sa kanya, maliit man o malaki yun.
Sa “Boy Golden: Shoot to Kill,” isang pulis ang role ni Tonton na parating tumutugis kay Boy Golden (Governor ER Ejercito). Ani Tonton, positive siyang papasok sa Top 4 ang kanilang pelikula. “Maganda ito, talagang pinagtrabahuhan ni direk Chito Rono. Makulay, interesting ang buhay ni Boy Golden, kilabot na gangster noong dekada 60.”
Madugong kamatayan
Dating dance instructor si Boy Golden sa Manila Grand Opera House, ayon kay Gov. ER.Tagahanga raw ito ni Elvis Presley. Naging notorious gangster si Boy Golden at naging Public Enemy No. 1. Maraming beses siyang nakaligtas sa pang-a-ambush sa kanya, labas-masok sa bilangguan dahil sa iba’t ibang krimeng ginawa.
Inspired sa life story ni Arturo “Boy Golden” Porcuna ang “Boy Golden: Shoot to Kill.” Namatay siya noong Dec. 23, 1963 nang mahuli siya ng mga awtoridad sa tinitirahan niyang apartment sa Mandaluyong. Pinaulanan
siya ng maraming bala mula sa Thompson at machine guns. Madugo ang naging kamatayan ni Boy Golden.
Rated PG
Okey at masaya na si Mother Lily Monteverde sa PG (Parental Guidance) rating na ibinigay ng MTRCB (Movie-Television Review Classification Board) sa “Pagpag, Siyam Na Buhay.” Co-produced ito ng kanyang Regal Entertainment with Star Cinema. Walang solo festival movie ang Regal at ipinahinga na ni Mother Lily ang “Shake, Rattle & Roll” suspense-horror. Inaabangan pa naman ito ng movie-goers kapag MMFF.
Anyway, positive si Mother Lily na magugustuhan ng movie-goers ang “Pagpag, Siyam Na Buhay” na nagiisang suspense-horror entry sa MMFF. Napanood na niya ang finished movie at kuntento siya sa kinalabasan nito. Bumilib siya kay direk Frasco Mortiz na aniya’y magaling na director.
Confident si Mother Lily na makakasama sa Top 5 ang “Pagpag, Siyam Na Buhay.” Naniniwala siyang magiging malakas ang hatak nito sa takilya dahil pinagbibidahan ito ng sikat na tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.