by Rowena Agilada
MUKHANG kinakarirtalaga ni Paulo Avelino ang panunuyo kay KC Concepcion to win her heart. Niregaluhan niya ang dalaga ng totoong Christmas tree na inorder pa niya sa ibang bansa. Tinulungan pa ni Paulo si KC magdecorate ng Christmas tree.
Kung hindi pa ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram ang picture ng totoong Christmas tree na regalo sa kanya ni Paulo, hindi pa ‘yun malalaman ng mad lang pi pol. Malihim kasi ang binata sa kanyang lovelife .
Dahil kaya sinabi ni Gabby Concepcion na boto siya kay Luis Manzano for his daughter, kaya effort kung effort talaga si Paulo sa pagporma kay KC? Panay ang papogi points niya sa dalaga nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Kanino naman kaya boto ang megastar? Kay Paulo o kay Luis?
Hindi pa naman hayagang nagpaparamdam si Luis kay KC. Text-text lang sila. Hindi pa naman yata sila nagdi-date, di tulad ni Paulo na sinabing dating sila ni KC. Mas marami ang boto kay Luis for KC. Ang tanong, type ba naman nila ang isa’t isa? May Christmas gift din kaya si Luis kay KC? Magandang abangan kung sino ang makakapiling ni KC sa Christmas eve at sa Christmas day.
Pambato ng pamilya Padilla
Wish lang ni Bela Padilla na magkaroon siya ng bagong teleserye sa GMA7 sa pagpasok ng 2014. Matagal-tagal na ring hindi siya napapanood sa isang primetime or afternoon series ng Kapuso Network.
Gumawa kasi si Bela ng TV series sa Singapore, “Point of Entry,” kaya pabalik-balik siya roon at sa Pilipinas para sa taping. Sa Singapore lang mapapanood ang naturang TV series na magsisimula on Dec. 26, ayon kay Bela.
Bilang miyembro ng Jehovah’s Witness, aniya, hindi sila nagsecelebrate ng Pasko. Hindi sila nagbibigayan ng Christmas gifts. Sa pamilya Padilla, tanging si Robin ang iba ang religion, Islam. First cousins ang mommy ni Bela at ang mommy Eva ni Robin. Pinsan naman ni Bela si Daniel Padilla at aniya, happy siya sa tinatamasang kasikatan nito ngayon.
Si Daniel nga raw ang pambato ngayon ng pamilya Padilla.
Magkalaban sa 2013 Metro Manila Film Festival ang respective movies nila, “Pagpag, Siyam Na Buhay” ang kay Daniel at “10,000 Hours” ang kina Bela at Robin. “Magkaiba naman kami ng genre. Magkaiba ang target audience namin,” ani Bela.
Inilihim ba?
Sa walong entries sa 2013 Metro Manila Film Festival, ang “Kaleidoscope” ang walang presseon. Walang promotion. Pinakatahimik ang pelikulang ito na tampok sina Sef Cadayona at Yassi Pressman. Parang inilihim.
Promotions-wise, pinakamaingay ang “My Little Bossings.” Mukhang gagawin lahat ni Kris Aquino para maging top grosser, only because first movie ito ng anak niyang si Bimby Yap.
Maging pinakatahimik din kaya sa takilya ang “Kaleidoscope’? Kung kailan may pelikula together sina Sef at Yassi, saka naman sila nag-break. Ano ba ‘yan? Diumano, si Andrea Torres ang bagong apple of the eye ni Sef. Hindi naging big issue ang break-up nina Sef at Yassi. Mukhang walang interesado.
Sa Miyerkules (Dec. 25) na ang umpisa ng MMFF. Magkakaalaman na kung alin ang mangunguna. Alin ang tatagal hanggang matapos ang festival. Alin kaya ang unang matatanggal? Ang iba pang official entries ay “Pagpag, Siyam Na Buhay,” “Boy Golden: Shoot to Kill,” “10,000 Hours,” “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” “Pedro Calungsod: Satang Martir:’ at “Kimmy Dora.” O, kayo, ano ang una n’yong panonoorin?