HAPPY New Year to everybody! Nawa’y naging mapayapa ang pagsalubong n’yo sa 2014. Bagong taon, bagong pag-asa, bagong buhay para sa ating lahat. Cheers!
Magkaayos na sana
Sana ngayong 2014 ay magkaayos na ang pamilya Barretto at ang pamilya ni Charice Pempengco. Wala nang hihigit pang kaligayahang mararamdaman kung magkakabati-bati na ang dalawang nag-iiringang pamilya.
Huwag na sana nilang hintayin na may pagsisihan sila sa bandang huli kung patuloy silang magmamatigas sa isa’t isa.
Sana rin ay magkaayos na si Heart Evangelista at ang kanyang mommy.
Huwag sanang madala
Sana lang, hindi madala si Governor ER Ejercito na sumali sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre ngayong taon. Sana ituloy pa rin niya ang project niyang pambata naman ang gagawin niya para ilahok sa 2014 MMFF.
Noong presscon ng “Shoot to Kill: Boy Golden,” ipinahayag ni Gov. ER na gagawin niya ang “Pedro Penduko at si Maria Makiling” with Angel Locsin. Si Erik Matti ang direktor at aniya, magsisimula silang mag-shoot sa March this year. Ituloy pa kaya ito ni Gov. ER?
Sana ituloy pa rin niya ang ipinangako niya sa yumaong Action King Fernando Poe, Jr. na gagawa siya once a year ng pelikula para matulungan ang mga tagaindustriya, mga kapuwa niya artista, production staff at crew.
Na-pulitika nga ba?
Nagtataka ang supporters ni Gov. ER Ejercito kung bakit walang nakuhang major and minor awards ang “Shoot to Kill : Boy Golden,” gayung Graded A ito ng Cinema Evaluation (CEB). Graded A rin ang “10,000 Hours” na humakot ng maraming awards.
Ang punto ng supporters ni Gov. ER, kung Graded A ang “Shoot to Kill: Boy Golden,” di ba raw ang ibig sabihin, de kalidad ang pelikula? Bakit daw binale-wala ito ng jurors at pinagdamutan ng award? Did we hear it right, dismayado rin si direk Chito Rono at feeling daw nito’y napulitika ang kanilang pelikula?
Every year naman, may kontrobersiya sa MMFF. What else is new?
Nangibang bansa
Ang daming artista ang nag-out of-the-country ngayong Holiday Season. Sa Vietnam nagbakasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera after Christmas. Sa Singapore at Malaysia si Angel Locsin na diumano’y kasama ang bagong love of her life. Isa raw itong politician from the North.
Sa Australia naman nag punta sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez with their son, Nate. Sa Los Angeles, USA si Luis Manzano at tumuloy siya sa Las Vegas, Nevada. Pero ilang araw lang siya roon at bumalik din agad at dito siya sa Pilipinas nag-Bagong Taon.
Nasa London naman si Kris Aquino with her sons Joshua and Bimby. Nagpunta naman si Tom Rodriguez sa Arizona, USA para makapiling ang kanyang pamilya. Sa US din nag-Bagong Taon si Heart Evangelista minus Senator Chiz Escudero. Sa US din nag-Pasko si Marjorie Barretto with her children. Sa Argentina naman si Solenn Heussaff kasama ang Argentinian boyfriend.