by Rowena Agilada
DREAM come true kay Anne Curtis na siya ang gaganap na Dyesebel sa Kapamilya Network. Ayon kay Biboy Arboleda ng Dreamscape Entertainment, sa ginawang survey ng kanilang marketing research team, si Anne ang nag-top sa listahan.
Kadarating lang ni Anne mula sa Holiday vacation niya sa Canada at magandang pasalubong sa kanya ang naturang project. “Sobrang ganda ng start ng 2014 sa akin. Amazing! Masasabi ko sa mga magiging anak ko, naging Dyesebel ako. Napanood ko ‘yung ibang nag-Dyesebel (Vilma Santos, Marian Rivera, Charlene Gonzalez, Alma Moreno, Alice Dixzon). I just hope, I’ll be able to live up to the expectations. I’ll do my best as Dyesebel,” kilig-kiligang sabi ni Anne.
Aniya, ‘yung nangyaring hindi maganda sa kanyang personal life last year (sampalan incident), iniwan na niya ang negativity ng 2013.Thankful si Anne sa mga taong patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa kanya. “I cannot please everybody. It’s a great thing to be part of ‘Dyesbel’ na isang all-time classic. I feel so blessed,” wika ni Anne.
First time
Kasama sina Gerald Anderson at Sam Milby sa cast ng “Dyesebel” na gaganap bilang Fredo at Liro, respectively. Comment ng isang entertainment writer, ironic na may ispekulasyon na si Kim Chiu ang gaganap na Dyesebel. ‘Yun pala’y ang ex-boyfriend niyang si Gerald ang makakasama sa cast.
First time magkakatrabaho sina Anne at Gerald at anang aktor, excited at kinakabahan siya. “Ibang chemistry naman ang ibibigay namin sa fans and audience. Good year sa akin ang 2014. I have a big project. Last year, marami akong ups and downs sa personal life. Roller-coaster ride,” pahayag ni Gerald.
Big challenge naman kay Sam Milby ang role niya bilang isang siyokoy. Bawal mag-English, kaya kakaririn daw niya ang pagsasalita ng Tagalog. Reunited sila ni Anne sa “Dyesebel” at parehas silang excited sa project. Four years ago ang huling pagtatambal nila sa “Babe I Love You.” Kahit may boyfriend na si Anne (si Erwan Heussaff), nananatili silang good friends ni Sam na ex-BF niya. “It’s gonna be a funny experience habang nagwo-work kami,” ani Anne.
Another first time
Isa pang bagong show ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN ang “Sana Bukas Pa ang Kahapon.” Tampok sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Iza Calzado, Susan Roces, Albert Martinez, Tonton Gutierrez, Dina Bonnevie, Michelle Vito at Anita Linda.
Tatlo ang karakter dito ni Bea at aniya, first time siyang gaganap sa magkakaibang karakter sa isang teleserye.”Bagong Bea, promise! Big challenge ito sa akin. Proud ako sa tatakbuhin ng istorya. Really exciting,” lahad ni Bea.
Aniya pa, masuwerte siya at thankful siya sa ABS-CBN na hindi siya pinababayaan. Thirteen years na siya sa Kapamilya Network at talagang pinag-iisipan ang mga project na ibinibigay sa kanya. Sina Albert Martinez at Paulo Avelino ang leading men ni Bea sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon.” Abangan na lang daw kung paano at bakit siya magkakaroon ng kaugnayan sa dalawang aktor.
Next month ang simula ng taping nila sa SBPAK na si Jerome Pobocan ang direktor.