UMASA kahit papaano, si KC Concepcion na siya ang gaganap na Dyesebel. Disappointed ang mga taong gusto na siya ang maging Dyesebel. Nag-tweet si KC na sorry daw dahil hindi siya ang gaganap. Tweet pa ni KC, mag-aaral siya abroad sa first quarter ng taong ito.
Second disappointment na ito ni KC, aminin man niya o hindi. Marami ang umasang siya ang mananalong best actress sa nakaraang Metro Manila Film Festival. Pero na-lost siya kay Maricel Soriano. Lost naman si KC kay Anne Curtis na final choice para gumanap bilang Dyesebel sa fantaserye na ito ng ABS-CBN.
From what we heard, sa Kapamilya stars na kinunsider ay si Erich Gonzales ang mahigpit na nakalaban ni Anne. Hindi aware si Anne na si Kim Chiu ang natsikang gaganap na Dyesebel. Nasa Holiday vacation si Anne sa Canada at nasorpresa siya nang pagbalik niya sa Pilipinas ay ipinaalam sa kanya ng Dreamscape Entertainment na siya ang gaganap na Dyesebel.
Ayaw magparetoke
Kung may Dyesebel ang ABS-CBN, meron namang “Kambal Sirena” ang GMA7 na si Louise delos Reyes ang bida. Dual role rito si Louise at si Aljur Abrenica ang kanyang love interest.
Next month na ang airing ng KS, pero wala pang announcement ang ABS-CBN kung kailan ang airing ng “Dyesebel.” A few days ago lang nag-story con pagkatapos ng official announcement ng Dreamscape Entertainment na si Anne Curtis ang final choice bilang Dyesebel. Magko-costume fitting pa si Anne at aniya, gusto niyang kulay ng kanyang buntot ay ‘yung nag-iiba ang kulay kapag natatamaan ng sikat ng araw.
Magandang abangan kung ano ang ipantatakip sa boobs ni Anne. Kabibe kaya o magpapa-hair extension siya? Basta sabi ni Anne, wala siyang balak iparetoke ang anumang bahagi ng kanyang katawan, lalo na ang magpalaki ng boobs. Kuntento na siya kung ano’ng ipinagkaloob sa kanya ng Diyos.
Joke ni Anne, gusto niyang siya ang kumanta ng theme song ng “Dyesebel.” Pagbigyan kaya siya ng Dreamscape?
Addict
Teleserye addict pala si Ms. Susan Roces. Aniya, bilang isang senior citizen, libangan niya ang manood ng mga teleserye. Nagre-react daw siya sa mga eksena ng mga karakter na pinapanood niya. Iba’t ibang emosyon ang nararamdaman niya. Nagagalit, natutuwa, naiinis, naiiyak, kinikilig siya.
Ayon pa kay Ms. Susan, big fan siya ni Bea Alonzo. Pinanonood niya ang mga teleserye ni Bea. Big fan daw siya ng love team nina Bea at John Lloyd Cruz.
Natutuwa si Ms. Susan na magkakatrabaho sila ni Bea sa “Sana Bukas Pa ang Kahapon” at thankful siya sa Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal na isinama siya sa cast. “This is a new experience for me. Ako ang gaganap na lola ni Bea. Pambansang lola nga ako (laughs),” sambit ni Ms. Susan. Aniya pa, tungkol sa dalawang angkan na magkalaban sa negosyo ang istorya ng SBPAK.