by Rowena Agilada
“STRESSED, mahirap ang fantaserye,” sambit ni direk Ricky Davao nang kumustahin namin ang pagdidirek niya ng “Adarna.” Nakusap namin ang ever accommodating director sa taping ng “Adarna” sa isang school compound sa Fairview, QC. Basta may dumalaw na entertainment writers sa project na ginagawa niya, always may ready smile si direk Ricky at nakikipagtsikahan. Di tulad ng ibang direktor na deadma lang kapag may press sa set.
Ani direk Ricky, stressful ang madugong CGI (Computer Generated Image). Heavy sa matitinding special effects. Supportive-ever naman ang GMA7 at walang problema sa budget, basta lumabas na maganda ang special effects ng “Adarna.”
All praises si direk Ricky kay Kylie Padilla na aniya’y magaling, mabait, masunurin at professional. “Sexy na maganda pa si Kylie. Iba’ng beauty niya. Ang lakas ng dating. Sa fight scenes niya, mas magaling pa siya kesa sa mga lalaki. Matapang, malakas ang loob. Wala rin siyang angal kapag naka-harness at lumilipad siya,” lahad ni direk Ricky.
Wish list
Natuwa naman si Kylie Padilla when told na puring-puri siya ni direk Ricky Davao sa fight scenes niya sa “Adarna.” “Pinalaki kasi ako na parang lalaki (laughs),” ani Kylie. Aniya pa, wala siyang takot lumipad kahit 20 ft. ang taas. Wala siyang hilo factor at gustung-gusto niya ’yung naka-harness siya kahit masakit sa singit at balakang.
Naipalabas na ang kissing scenes nila ni Geoff Eigenmann, ipinaalam ba niya ’yun sa kanyang papa Robin at kay Aljur Abrenica? Ani Kylie, wala namang naging problema sa dalawa dahil mild kissing lang ang ginawa nila ni Geoff. “Hindi naman lumabas na malandi ako (laughs). Napanood ’yun ni Aljur at joke niya, bakit daw ang hina ng sampal ko kay Geoff after ng kissing scene namin. Siyempre, supposed to be, in love ako kay Geoff,” wika ni Kylie.
Ayon pa kay Kylie, pumayag na siyang makipag-kissing scene dahil marami ang lumalabas na balitang namimili raw siya ng leading man at marami raw siyang demands. “Para matigil na lang ang gano’ng intriga, sige, go na lang!” sambit ni Kylie.
May wish list siya ngayong 2014 at isa sa wishes niya’y magkasama sila ni Aljur Abrenica sa isang project. Sana raw, kahit sa isang episode ng “Magpakailanman.” Looking forward si Kylie na pagtambalin sila ni Aljur sa isang teleserye.
Maling akala
Akala pala ni Jayson Gainza ay kasama siyang magso-shoot ng “Mumbai Love” sa India, kaya tinanggap niya ang gay role sa naturang movie. Gay stepmother siya ni Solenn Heussaff. Ani Jayson, excited pa naman siyang pumunta sa India. ’Yun pala, hanggang Manila lang ang mga eksenang kinunan sa kanya.
In any case, puring-puri si Jayson ni direk Benito Bautista. Magaling daw sa timing sa pagpapatawa si Jayson. Palibhasa, nasanay ito sa “Banana Nite/Split,” kaya nilaru-laro lang ni Jayson ang gay role sa “Mumbai Love.”
First solo lead role ito ni Solenn, kaya pressured at kinakabahan siya. First time na wholesome at pa-sweet ang karakter niya. Darating today si Solenn mula sa Holiday vacation niya sa Argentina. Bukas ang presscon ng “Mumbai Love” at sa Jan. 16 ang premiere night sa SM Megamall Cinema 9. Regular showing on Jan. 22 sa mga sinehan nationwide.