by Rowena Agilada
SO far, so good ang pasok ng 2014 kay Geoff Eigenmann. May ongoing fantaserye siya sa GMA7, “Adarna” with Kylie Padilla. This year, more daring, more mature roles ang gusto ni Geoff. Open siya sa gay role dahil aniya, accepted naman sa society natin ang mga bakla. Handa siyang makipag-kissing scene at love scene sa kapwa lalaki.
Ang kanyang daddy Michael de Mesa at tito Mark Gil ay kapwa mahusay mag-portray ng gay role. Never pinagdudahan ang gender ng mga ito. “Pag magaling kang aktor, you can do any role given to you. I want to be a versatile actor, kaya I want to try different roles,” sambit ni Geoff nang nakausap namin sa taping ng “Adarna” sa Fairview, QC.
Hindi ba siya na-awkward sa kissing scene nila ni Kylie sa “Adarna”? Naisip ba niya o natakot ba siya kina Robin Padilla at Aljur Abrenica? “Trabaho lang. Professional naman kami ni Kylie at hindi ko inisip ang papa Robin niya at si Aljur. Otherwise, baka hindi namin magawa nang tama ang kissing scene namin. Hindi ko rin inisip si Carla (Abellana) dahil naiintindihan niya na work lang ‘yun,” wika ni Geoff.
Anyway sa “Adarna,” malalaman na ni Migo (Geoff) ang tunay na katauhan ni Ada (Kylie Padilla). Matutuklasan na niya na si Ada at si Angel ay iisa lang. Ano kaya’ng gagawin ni Migo?
Matchmaker
Si Saab Magalona ang nagpakilala sa kapatid niyang si Maxene ng boyfriend nito ngayon after Renz Fernandez. Ani Saab, best friend ito ng BF niya. Parehong taga-corporate world ang kanilang BFs. “Ako ang naging matchmaker sa kanila. Ewan ko ba kay Maxene, mahilig pumatol sa mga guys na ano (laughs). Sabi ko sa kanya, try niya ‘yung taga-corporate world para maiba naman,” wika ni Saab nang nakausap namin sa taping ng “Adarna” sa Fairview, QC.
Three years na sila ng boyfriend niya at swak sila sa isa’t isa. Mas okey raw talaga na hindi taga-showbiz ang karelasyon.
True bang nililigawan o girlfriend na ng kapatid niyang si Elmo si Janine Gutierrez? “Tatanungin ko pa si Elmo (laughs). Wala pa siyang sinasabi sa amin. I like her ( Janine). She’s a very nice girl,” ani Saab.
Wala na ba sina Elmo at Lauren Young? “Hindi naman naging sila (laughs),” sambit ni Saab. “Lauren is my best friend. Wala namang problema. Nag-uusap pa rin sila ni Elmo. Wala pang naging serious relationship ang kapatid ko.”
Pinaaabangan ni Saab ang pagta-transform ng karakter niya bilang Robin sa “Adarna.” Aniya, magiging super bad girl siya at may gagawin siya kay Ada (Kylie Padilla) sa matinding galit niya rito.
Dagdag karangalan
Dagdag karangalan kay Marian Rivera ang pagkapili sa kanya bilang Most Favorite Foreign Artist ng Today TV Face of the Year Awards 2014 mula sa Vietnam. Ang announcement ay ginanap noong Jan. 8, pero hindi nakapunta roon si Marian. Sa December ang awarding ceremony and hopefully, makadalo si Marian para personal niyang matanggap ang karangalan.
Ang Today TV ay isa sa malaking TV stations sa Vietnam na nagpapalabas ng mga Filipino teleserye. Naipalabas doon ang “Marimar,” “Dyesebel” at “Temptation of Wife” na pawang pinagbidahan ni Marian. Soon ay ipapalabas na rin doon ang “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang” (Dangerous Love).
Ayon sa Today TV, ang special recognition na ipinagkaloob kay Marian ay base sa on-line votes. Samantala, mapapanood na simula sa Jan. 27 ang bagong teleserye ng Kapuso Primetime Queen, ang “Carmela” with Alden Richards. Tampok pa rin sina Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Laurice Guillen, Jennica Garcia, Freddie Webb, Rochelle Pangilinan, Krystal Reyes, Ana Feleo at Roi Vinzon. May special participation ang actor-director na si Ricky Davao bilang tatay ni Carmela (Marian Rivera). Mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.