by Rowena Agilada
FIRST time ni Marian Rivera magkaroon ng leading man na mas bata sa kanya. Si Alden Richards ang kapareha niya sa “Carmela,” at ani Marian, hindi gano’ng kadali dahil kailangang timplahin kung may chemistry sila. “Nasa script naman na mas bata ang leading man ko. Binago ko ang pananamit ko. First time akong nagsuot ng sneakers at butas-butas na pantalon. Iniba rin ang hairstyle ko at delivery ng dialogue ko” wika ni Marian sa presscon ng “Carmela.”
Base sa trailer, may kilig factor naman ang tandem nina Marian at Alden. Asked Marian kung halimbawang wala siyang Dingdong Dantes, posible kayang rna-in love siya sa isang younger man like Alden? “Depende. Kailangan may spark, may kilig factor. Mararamdaman naman ‘yun,” saad ng Kapuso Primetime Queen.
All praises siya kay Alden dahil nakikita niya ang dedication nito sa trabaho. “Parehas kami, mahal namin ang aming trabaho. Wala pa akong masyadong masabi tungkol kay Alden dahil kinikilala pa lang namin ang isa’t isa,” wika ni Marian.
Aniya pa, suportado ni Dingdong ang tandem nila ni Alden. Excited na nga raw ang boyfriend niyang mapanood ang “carmela.” Congratulations nga pala kay Dingdong na hinirang na Most Favorite Foreign Actor ng Today TV’s Face of the Year Awards 2014. Si Marian ang Most Favorite Foreign Actress. Ang “Marimar” at “Dyesebel” na pinagsamahan ng GMA’s Royal Couple ay nag-hit sa Vietnam at naging household names sila sa South East Asian country.
Billing issue
No show si Raymond Bagatsing sa presscon ng “Mumbai Love.” Wala rin siya sa premiere night nito na kasabay ng presscon ng “carmela” kung saan nakausap namin ang aktor. Ani Raymond, tinapos niya ang shooting ng “Mumbai Love,” contrary sa balitang nag-walk out siya sa set. Iniklian lang ang mga eksena niya sa ending nito.
Kinailangan na kasi niyang umalis papuntang United States para ayusin ang kanyang green card. Na-move nga nang one month ang scheduled trip niya dahil sa shoot ng “Mumbai Love.” Ang gusto ng producer at director, habaan ang ending. Hindi na kakayanin ng schedule niya dahil kung ipagpapaliban na naman niya ang pagpunta sa US, baka mabalewala na ang kanyang green card. Ani Raymond, four years niyang pinaghirapan bago siya nakakuha nito.
Ang hindi nagustuhan ni Raymond ay ang billing ng pangalan niya sa “Mumbai Love.” Nauna pa sina Jayson Gainza at Martin Escudero. Pinatatanggal na lang niya ang pangalan niya. Ani Raymond, walang personalan dahil mga kaibigan niya ang producer na si Neil Jeswani at si direk Benito Bautista. Ex-brother-in-law pa niya si Minco Fabregas na Chief Operating Officer (COO) ng Capestone Pictures. Ex-wife ni Raymond ang sister nitong si Lara Fabregas.
Ani Raymond, okey naman sila ni Minco Fabregas during the shoot ng “Mumbai Love.” Walang naging problema sa pagtatrabaho nila. Ang hindi lang niya talaga nagustuhan ay ang billing ng pangalan niya. Ani Raymond, kahit alam niyang support lang siya, tinanggap niya ang role dahil maganda, isang Bumbay ang karakter niya. Gusto rin niyang tulungan ang producer na kapuwa niya Bumbay.
No problem
Itinanggi ng producer na si Neil Jeswani ang balitang nag-walk out si Raymond Bagatsing at hindi nito tinapos ang shooting ng “Mumbai Love.” Anang producer, walang naging problema sa aktor at misinformed lang ang lumabas na balitang bigla na lang itong umalis papuntang US.
Sa presscon ng “Mumbai Love,” hindi naitanong ang isyu sa billing ng pangalan ni Raymond at kung pagbibigyan ang hiling ng aktor na tanggalin na lang ang pangalan niya. Sa presscon lang kasi ng “carmela”
nalaman namin ang sentimiyento ni Raymond. The night before kasi ang presscon ng “Mumbai Love” na hindi niya sinipot.