HINDI sure si Raymond Bagatsing kung totoong para kay Gabby Concepcion ang role niya sa “carmela.” Sinabihan daw kasi siya ni Lolit Solis na kung hindi pa siya dumating mula sa United States, susulutin na siya ni Gabby.
Two months namalagi si Raymond sa US dahil inayos niya ang kanyang green card. Bumalik siya sa Pilipinas after Christmas last year. Mabuti na lang daw at nahintay siya ng GMA at isinama siya sa cast ng “carmela.” This week ang taping ni Raymond at aniya, excited siyang makatrabahong muli si Marian Rivera. Nagkatrabaho na sila sa “Amaya” kung saan gumanap siya bilang tatay ni Marian.
Sa “Temptation of Wife,” daughter-in-law naman niya ang Kapuso Primetime Queen. Dito sa “Carmela,” may love angle na sila ni Marian. Love triangle silang tatlo nina Marian at Alden Richards.
‘Asked Raymond about his love life at aniya, he’s dating someone else. Pero nothing serious going on between them. “Mahirap mag-commit. Maganda ang takbo ng career ko ngayon. May business pa akong inaasikaso (Buboy and Friends Mang 1nasal sa Madrinian, QC). Meron pa akong Raymond Bagatsing Center for Drama Arts. Nagtuturo ako ng acting sa mga gustong mag-artista,” pahayag ni Raymond. Isang foreigner ang huling nakarelasyon niya.
Organic actor
Sa ipinakitang trailer ng “Carmela” noong presscon nito, may kissing scene sina Marian Rivera at Alden Richards. Ani direk Dominic Zapata, magkakaroon din ng love scene ang dalawa. Hindi naman daw ‘yun maiiwasan sa isang drama love story. “Pero hindi naman basta lalagyan namin ng love scene. Kung talagang kailangan lang sa takbo ng istorya. Depende sa mga susunod na script,” wika ni direk Dom.
Kumusta naman si Alden Richards? Ani direk Dom, nagkatrabaho na sila sa “My Beloved” at noon pa man, nakitaan na niya ng galing sa pag-arte si Alden. “He’s a good actor. Organic siya, meaning totoo ‘yung ipinapakita niya. Hindi siya humuhugot sa real-life situations, kundi sa karakter na pino-portray niya. Nakita ko sa kanya ‘yung willingness to learn, to improve his craft. Malaki ang promise niya. Sinabi ko sa kanya noon, he’s gonna be a leading man.”
After pairing with Louise delos Reyes sa ilang teleserye ng GMA, no less than Marian Rivera, ang Kapuso Primetime Queen, ang leading lady ngayon ni Alden sa “carmela.” Kabog ni Alden ang ibang Kapuso actors na ka-edad niya. Siya na ang Kapuso Prince.
Ikinumpara pa ni direk Dom si Alden sa isang veteran actor na aniya’y kapag umaakting, nadadala nito ang ka-eksena at gumagaling din. Nakikita raw niya ito sa acting ni Alden; natatangay nito ang kaeksena.
Bakit hindi sa isang multi-awarded veteran actor niya ikinumpara si Alden? “I invoke my right to remain silent,” mala-Janet Napoles na sambit ni direk Dom. Ang dating sa amin, hindi kumbinsido si direk Dom sa istilo ng akting nito kahit pa multi-awarded ang veteran actor. Blind item ang names ng dalawang veteran actors dahil baka pagmulan pa ng intriga. Parehas silang aktibo pa rin sa mga teleserye ng ABS-CBN, TV5 at GMA7.
Aamin na
Mamaya sa “Adarna,” pipigilan nina Migo at Lupe si Robin sa pananakit nito kay Ada. Ilalayo ni Lupe si Ada. Susunod si Migo, pero haharangin siya ni Bok. Hindi papayag si Ada sa nais ni Lupe na lisanin na nila ang lugar para sa kaligtasan nila.
Aaminin ni Bok kay Dino na may gusto siya kay Ada. May lihim na plano para sa isa’t isa sina Falco at Garuda. May isang lalaking hostage-taker at hihilingin nitong magpakita ang taong ibon. Dumating ang taong ibon na pakana lang pala nina Robin at Jay. Pupuntahan ni Ada ang hostage-taker, pero may bumaril dito. Tinamaan naman sa likod si Ada.