EFFECTIVE ang pagdyu-juicing ni Yasmien Kurdi na sinasabayan niya ng exercise at pagda-diet. Payat-payatan na siya ngayon at hindi iisiping nanay na siya ng isang one-year-old baby girl, si Ayesha.
“Kinarir ko talaga ang pagpapapayat for myself, for my career at siyempre, for my husband. Gusto niyang ganito ako (laughs),” sabi ni Yasmien nang nakausap namin sa presscon ng “Rhodora X.” Private pilot ang husband ni Yasmien at aniya, long-time sweetheart niya ito bago sila nagpakasal. She calls him pangga (as in mahal, love).
Walang restrictions ang husband niya at okey rito kung may kissing scenes siya sa mga ginagawa niyang project. “Wala siyang pakialam. Nasanay na siyang trabaho lang ang ginagawa ko,” saad ni Yasmien. Sa “Rhodora X,” mai-involve siya kina Mark Herras at Mark Anthony Fernandez. Hindi pa niya alam kung magkakaroon siya ng kissing scenes o love scenes sa dalawang aktor.
Kumusta katrabaho ang dalawang Mark? “Si Mark Herras, hindi na makulit. Nag-mature na siya. Behaved na siya sa set at nagbabasa na ng script. Si Mark Anthony, first time kong katrabaho. Mabait siyang tao, ‘yun lang. Iba ang generation niya, eh! (laughs),” lahad ni Yasmien.
Not the marrying type
Father role ang ginagampanan ni Gardo Versoza sa “Rhodora X” at mga anak niya sina Jennylyn Mercado at Yasmien Kurdi. He doesn’t mind dahil aniya, in real life ay tatay na siya ng isang 3-month-old baby boy. Non-showbiz ang live-in partner ni Gardo na tumatayo ring manager niya.
“Mas inspired akong magtrabaho ngayon at mas nararamdaman ko ang father role. First time kong katrabaho si Jennylyn. Okey siya, masipag at magaling. Si Yasmien, nakatrabaho ko noon sa isang project ng GMA. Okey rin siya.”
Bait-baitan ang role ni Gardo sa “Rhodora X” pero aniya, mas gusto niya at mas masarap ang kontrabida role. “Mas tinatrabaho ko dahil maraming dimensions. Pag good guy kasi, naka-box na ‘yung acting. Pero siyempre, kung ano’ng ibigay na role sa akin sa isang project, okey lang. Trabaho ‘yun, eh!” lahad ni Gardo.
Chickboy pa rin ba siya? “Paminsan-minsan. Pag nakakalusot, huwag lang pahuhuli (laughs),” ani Gardo. Alam naman daw ng partner niyang chickboy siya at tanggap nito ‘yun. Eight years na silang together, pero tipong walang balak si Gardo pakasalan ang partner niya. Aniya, wala pa siyang babaeng pinakasalan dahil noong nabubuhay pa ang nanay niya, ito ang kanyang priority. Noong namatay ito, ipinangako niyang ito ang pinakahuling babae sa buhay niya.
Alam ‘yun ng partner niya at naiintindihan siya nito. Okey, alright ang relasyon nila for eight long years. “Akalain n’yo, nakatagal ako? (laughs). Naniniwala akong babae ang nagdadala ng isang relasyon,” lahad ng aktor. By the way, mapapanood ang “Rhodora X” simula sa Lunes (Jan. 27) sa GMA Telebabad.
Overfatigue
Dahil sa overfatigue, isinugod si Kylie Padilla sa St. Luke’s Hospital (Global City). Sobrang hectic kasi ng schedule niya nitong nakaraang weekend. Nagpunta siya sa Cagayan de Oro kasama sina Mikael Daez, Benjamin Alves at Geoff Eigenmann para sa promo tour ng fantaserye nilang “Adarna.”
Nagpunta rin sila sa Marilao, Bulacan para personal na pasalamatan ang kanilang fans at mga tagasubaybay ng “Adarna.” Nakipag-bonding pa si Kylie sa mga kapatid niya kahit sobrang pagod na siya. By this time, nakalabas na ng ospital si Kylie at nagte-taping na ng “Adarna.”
This week, kaabang-abang ang mga kaganapan sa naturang fantaserye. Ipagtatapat na ni Lupe kay Simon na isa siyang taong ibon. Hindi mapipigilan ni Migo si Robin sa binabalak nito kay Ada. Ikukulong nito si Ada sa isang hawla at dadalhin sa isang hotel ballroom para ipaalam sa buong mundo na taong ibon si Ada.