by Rowena Agilada
SOBRANG proud si Robin Padilla sa pamangkin niyang si Daniel Padilla. Aniya, ito ngayon ang may hawak ng bandila ng mga Padilla. “Hanep ang pagbulusok ng dating ni Daniel. Ang payo ko lang sa kanya, Padilla siyang may pinag-ugatan. Patuloy kaming magmumulat sa ating mga kababayan ng magagandang aral,” sabi ni Robin.
“Nasisindak po ako sa sinasabi ni tito Robin na ako ang nagdadala ngayon sa pamilya Padilla. Na malayo raw po ang mararating ko. Nakakataba ng puso. Ginagalingan ko na lang po at pinagbubuti ang trabaho ko. Hindi po ako basta nagpapa-cute lang. Number one po na nagpapasaya sa akin ay ’yung maraming tao akong napapasaya. Marami po akong natutulungan. Masaya na po ako kapag nakikita kong masaya para sa akin ang mga kamag-anak ko,” pahayag naman ni Daniel.
Aniya pa, aware siyang bawat salita at kilos niya ngayon ay minamatyagan ng balana. Kaunting pagkakamali lang niya’y malaking bagay na. “Ginagawa ko po ang best effort kong huwag makagawa ng ikasisira ng mga Padilla,” saad ni Daniel.
Aksiyun-aksiyunan
Ayon pa kay Robin, ’yung mga hindi niya nagawa noong kabataan niya’y nagagawa ngayon ni Daniel. Sumasayaw, kumakanta, nagko-concert. “Ang dami niyang pera. Huwag mo kaming kalilimutan, ha?” sabi ni Robin.
Laking pasasalamat niya kay Daniel na tinanggap nito ang alok niyang makasama sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak.” Magkakasama rito ang pamilya Padilla… Robin, Rommel at ang dalawa pa niyang anak na sina RJ at Matt, Bela, Kylie, Mariel Rodriguez.
Ayon pa kay Robin, ayaw sumingil si Daniel ng talent fee, pero iginiit niyang bayaran ito sa nararapat na TF. “Mahal dahil nasa production side ako. Well-compensated silang lahat,” sabad ni Mariel. Si Robin ang producer ng “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” under his RCP Productions na ang Star Cinema ang magri-release. Showing ito on Jan. 29 sa mga sinehan nationwide.
Aksiyun-aksiyunan dito sa Daniel. Aniya, nag-enjoy siya, bukod pa sa nakasama niya sa pelikula ang half-siblings niyang sina RJ at Matt at ang tatay nilang si Rommel. Bonding-bonding sila sa set pag may time. Ani Daniel, kung gagawa siyang muli ng action movie, gusto niyang kasama muli ang mga ito. And of course ang kanyang tito Robin.
Hindi pa handa
Hindi kasama sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” si BB Gandanghari dahil ayon kay Robin, pang-lalaki ang gusto niyang role para kay BB. Ipinahanap pa niya ito sa kanyang kuya Rommel. “’Yung pang-Rustom Padilla sana ang role. Isa si ate BB (take note, ate ang tawag ni Robin) sa muntik nang hindi ikatuloy ng pelikula. Hindi pa raw handa si ate BB. Nag-init ang ulo ko, huwag na nga nating ituloy ito.
“Si kuya Rommel nagsabing ituloy namin. Siya ang may ideyang pagsama-samahin ang mga Padilla. Tatlong taon naming plinano ito. Bayolente ako. Mainitin ang ulo ko pag lumalaki ang gastos sa production. Si kuya Rommel ang nagpapayapa ng kolooban ko. Sinasabi niya, talagang ganyan.”
Sulit naman ang mga pinagdaanan nila bago natapos ang shooting ng pelikula. Sobrang proud si Robin sa “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak” na isang family drama base sa true-to-life story ni Ongkoy, leader ng anti-vigilante group “Kuratong Baleleng” sa Ozamiz City noong dekada ’70. Tinagurian itong “Robinhood” ng Mindanao.
Hindi mabibitin sa action scenes ang mga manonood ng pelikula, ayon kay Robin. May special participation sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Pen Medina, Karla Estrada, Lito Pimentel, Dennis Padilla, Bugoy Carino at Aljur Abrenica. Directed by Jon Villarin, family friend ng mga