by Rowena Agilada
BONGGA si Vic Sotto pag feel niyang magbigay ng “dats entertainment” (as in datung o pera) sa mga gusto niyang bigyan. Nagbigay siya ng P500,000 kay Ai-Ai delas Alas noong namatay ang biological mother nito. Halos ikawindang ‘yun ni Ai-Ai at ipinost pa niya ‘yun sa kanyang Instagram account.
Binigyan naman ni Vic si Ryzza Mae Dizon ng P5 million bilang bonus para sa “My Little Bossings.” Two million pesos naman ang ibinigay na bonus ni Kris Aquino kay Ryzza. May pandagdag na si Aling Maliit sa bahay na gusto nilang bilhin. ‘Kasuwerte naman talaga ng bagets!
Sabagay, aminin man o hindi nina Vic at Kris (producers ng “My Little Bossings”), plus factor si Ryzza kung bakit naging box-office hit ang MLB nitong nakaraang Metro Manila Film Festival. Deserved lang ni Aling Maliit na bigyan siya ng bonus.
Winners
Sina Vince Vargas at Glyza Sarmiento ang tinanghal na Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors 2014. Ginanap ang coronation night last week sa Elements Centris (EDSA), hosted by Victor Basa and Divine Lee. Guest performers sina Gian Magdangal at Frencheska Farr. Fifty thousand pesos each ang cash prize nina Vince at Glyza.
First runner-up sina Paul Andrew Belmonte at Sandra Ramos, 2nd runner-up sina Vendon Labador at Abi Karlyn Pascual, 3rd runnerup sina Leeo Remark Reduccion at Bernadette Melissa Paez. Ten thousand pesos each ang kanilang cash prize.
Tinanghal ding Gandang Ricky Reyes si Abi Karlyn Pascual at si Paul Andrew Belmonte ang Guwapong Ricky Reyes at Mr. Congeniality. Ms. Photogenic naman si Bernadette Melissa Paez.
Ang Search for Mr. & Ms. Hotel Sogo Ambassadors ay itinampok sa 13-segment program ni Ricky Reyes sa “Gandang Ricky Reyes” sa GMA News TV na sinimulan noong November last year.
Vince is 20 years old from Malabon City. Nursing graduate, may cellphone business. Mahilig siyang maglaro ng basketball, mag-swimming, manood ng sine at tumugtog ng gitara.
Taga-Makati City naman si Glyza, 23 years old at mahilig maglaro ng volleyball at billiards. Mahilig din siyang kumanta at sumayaw.
Wagi
Na-heart broken man, wagi naman si Jennylyn Mercado sa bago niyang teleserye sa GMA7. Sobrang saya si Jen dahil sa overwhelming support ng televiewers sa “Rhodora X.” Aniya, nakakataba ng puso ang magagandang tweets na natatanggap niya.
‘Yun kaya ang kapalit ng pag-iwan sa kanya ni Luis Manzano? “Ayokong isipin. Basta masaya na ako ngayon at puro positivity na lang. Ayoko ng negativity,” ani Jen.
‘Yung pilot week ng “Rhodora X,” wagi ito sa rating base sa Nielsen TV Audience Measurement. Sa National Urban Philippines, nakapagtala ito ng 13.9% laban sa “The Biggest Loser” (12.8 %). Sa Urban Luzon, 16.3% ang RX (‘Rhodora X”), samantalang 12.9 % ang TBL (“The Biggest Loser”). Sa Mega Manila, 17.6 % ang RX at 13% ang TBL.
Samantala, lalong nagiging kapana-panabik subaybayan ang RX. Nalilito si Joaquin (Mark Herras) sa paiba-ibang ugali ni Rhodora . Type ni Santi (Frank Magalona) si Rhodora. Makikilala ni Angela (Vasmien Kurdi) si Nico (Mark Anthony Fernandez), magkakalapit naman ang loob nina Rhodora at Joaquin. Abangan ang bagong twist sa mga susunod na kabanata ng RX.
Napilitan
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” sina Bela Padilla, Dion IgnaciO, Neil Ryan Sese, Pancho Magno, Lovely Rivero, Frencheska Farr, Dexter Doria, Joy Velasco at Ernie Garcia. Pinamagatang ‘Nakakulong na Puso,” tunghayan ang kuwento tungkol kay Andrea na magpapakasal sana sa kanyang childhood sweetheart (Rowell). Nabago ang buhay niya nang tangkain siyang halayin ng kanyang tiyuhin.
Napatay ito ng isa niyang manliligaw (Teddy). Pinagtakpan niya ito at inako ang krimen bilang pagtatanggol kay Teddy. Walang naniwala kay Andrea at kapalit nito ang sapilitan niyang pakikisama kay Teddy kahit hindi niya ito mahal. Alamin kung paano ang naging buhay ni Andrea sa piling nito.