by Rowena Agilada
GRABE naman ang bashers ni Marian Rivera at sobrang galit mga ito sa kanya. “Pinatay” na naman sa social media ang Kapuso Primetime Queen. May nag-post sa Facebook na naaksidente raw si Marian on her way sa IIocos Norte para sa taping ng kanyang teleserye. Sumalpok daw ang sinasakyan niyang van.
Dead on arrival daw si Marian nang dalhin siya sa pinakamalapit na hospital. Patay rin daw ang kanyang driver. Pangalawang beses na itong nabalitang “namatay” si Marian sa isang car accident. We remember, siya pa mismo ang nagbalita sa presscon ng isa niyang teleserye noon sa GMA7 na “namatay” siya sa isang vehicular accident somewhere in Cavite. Kumalat ‘yun sa social media a few years ago.
Hindi na lang pinatulan ni Marian ang latest na “pagpatay” sa kanya ng bashers niya. Deadma na lang siya dahil ayaw niya ng negativity.
Intriga
Ano naman kaya ang katotohanan sa intrigang diumano’y pinatanggal ni Marian Rivera si Carla Abellana sa cast ng bagong teleserye ni Dingdong Dantes? Hindi raw kaya dahil sa post ni Carla na walang tatalo sa ganda ng kanyang lola Delia Razon? Para kay Carla, ito ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw. Ikinonek ‘yun ng ibang tao sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw)” ni Marian.
Ibang version naman ang nakarating sa amin na diumano’y tinanggihan ni carla ang project dahil hindi raw niya feel na supporting role lang siya. Nagbida na kasi siya sa mga teleseryeng ginawa sa GMA7 na ang huli’y sa “My Husband’s Lover.”
Did we hear it right na si Lovi Poe ang ipinalit kay Carla? Hindi kaya mabalita namang pinatanggal din siya ni Marian? Di ba, nagkaroon ng falling-out noon sina Marian at Lovi? Remember, nasira ang kanilang friendship noong hindi naipagtanggol ni Lovi si Marian sa airport incident noon nina Marian at Heart Evangelista?
Born artist
Three years old pa lang si Philip Mahoney, Filipino-Irish American saxophonist-singer noong natuto siyang tumugtog ng piano. At age 10, natuto siyang tumugtog ng saxophone. At 15, he began singing, playing the guitar and writing original music, his first piece titled “Everything,” and at 18, the drums.
First live performance ni Philip ay noong eight years old siya para sa American retirees sa Orlando at sa Filipino Community of Central Florida. At 17, naging celebrity siya at naging artist for TFC’s (The Filipino Channel) annual event. Nag-perform din siya sa Disney’s Asian Expo at sa Universal Studio’s Orlando para sa Asian Heritage show (2008-2009).
Philip is 23 years old at nag-aral sa University of Central Florida. Siya ang latest addition sa Viva Family at co-managed siya ng composer na si Vehnee Saturno at Mr. Vic del Rosario (Viva’s big boss). Si Saturno ang producer ng self-titled debut album ni Philip na ang carrier single ay “Into the Sun” featuring Sarah Geronimo. Original composition ito ni Saturno.