NAWALA man si Luis Manzano kay Jennylyn Mercado, mukhang may ibang Luis namang papasok sa kanyang buhay. Si Luis Alandy na naging very vocal noong presscon ng “Innamorata” sa nararamdaman niya sa Kapuso actress.
Ani Luis, crush niya si Jennylyn at hindi imposibleng ligawan niya ito. “Ang lakas ng dating ni Jen,” he said.
Kabi-break lang ni Luis sa kanyang non-showbiz girlfriend na naka-base sa Canada.Three years sila together. Sadly, hindi nag-work out ang kanilang long distance relationship.
Ani Luis, mutual decision nilang maghiwalay. Pero friends pa rin sila.
Itinanggi ng Kapuso actor na ikakasal na sana sila. Aniya, hindi nila ’yun napag-usan ng kanyang ex-GF. He’s slowly moving on sa kanilang break-up. May longing pa rin siyang nararamdaman, pero ayaw na lang niyang mag-dwell sa kanilang past. “At may age, (he just turned 34 on Feb. 7, mismong presscon ng “Innamorata”), more stable na ang emotions ko ngayon,” saad ni Luis.
Ipinagdasal
Si Max Collins ang love interest ni Luis sa “Innamorata” kung saan first time nila to work together. Ani Luis, nagugulat siya sa dedication ni Max sa pag-iinternalize ng karakter nito. “Sobrang busy siya. Ang dami niyang ginagawa. Meron siyang rehearsal sa SAS (‘Sunday All Stars’). Pag Linggo, live show sila. Meron pa siyang ‘Bubble Gang.’ Tapos ngayon, busy na rin siya sa taping ng ‘Innamorata.’ Sobrang sipag siya sa pagtatrabaho,” lahad ni Luis.
He plays Edwin in “Innamorata” na isang bulag. Anak siya ng may-ari ng shoe factory kung saan nagtatrabaho si Max (as Esperanza). First time ni Luis gumanap bilang bulag na aniya’y challenge sa kanya. “Mahirap mag-pretend na wala kang nakikita,” he said.
May skin disease naman si Max, porphyria. Isa itong genetic disorder na kapag naarawan ay nangangati, namamaga at nagkakaroon ng blisters ang balat. Ayon kay Max, one and a half hours ang paglalagay at pagtatanggal sa kanyang prosthetic make-up. Noong una, uncomfortable siya. Kalaunan, nasanay na siya, saad ni Max.
Aniya pa, pressure sa kanya ang bago niyang project sa GMA dahil bukod sa biggest break niya ito, magagaling ang mga kasama niyang artista. Huling teleserye ni Max ay “Pahiram ng Sandali” with Dingdong Dantes and Lorna Tolentino. Ayon kay Max, worth the wait at talagang ipinagdasal niyang magkaroon ng teleseryeng pagbibidahan niya.
“Innamorata” also stars Jackie Rice, Gwen Zamora, Dion Ignacio,Michael de Mesa, Rita Avila, Pinky Amador, Leandro Baldemor. Directed by Don Michael Perez. Magsisimula ito on Feb. 17 sa Afternoon Prime block ng GMA after “Villa Quintana.”
Walang pakialam
Sa presscon ng “Innamorata,” prankang sinabi ni Michael de Mesa na maraming nag-iilusyon sa mga kabataang artista ngayon. Pero marami rin naman ang promising. So far, sa mga nakakatrabaho niyang young actors ngayon, wala pa naman siyang nagiging problema.
He plays Lloyd in “Innamorata” at ani Michael, okey ang working relationship nila ng buong cast. Mababait at marespeto ang younger stars na katrabaho niya. Wala pa namang pasaway.
Wala namang masabi si Michael tungkol sa tsikang diumano’y magpapakasal na ang anak niyang si Geoff Eigenmann sa girlfriend nitong si Carla Abellana.
Ani Michael, wala pa namang sinasabi sa kanya si Geoff. If ever gusto na nitong mag-asawa, hindi siya tututol dahil nasa edad na raw si Geoff. Very much welcome sa pamilya nila si Carla.
“Hindi ako nakikialam sa lovelife ng mga anak ko. Bahala sila. Masaya ako kapag nakikita kong masaya sila,” wika ni Michael.