by Rowena Agilada
Mukhang maikli nga ang buhok ni Sarah Geronimo at naka-hair extension lang siya noong napanood namin siya sa ASAP last Sunday (February 16). Halata ‘yung hair niya na lampas tenga lang ang haba.
Hindi masyadong naayos ang kanyang hair extension, kaya nahalata ‘yung tunay niyang hair na maikli na nga. Tama ba ang obserbasyon namin? May tsika pang diumano, balak idemanda si Sarah ng owner ng isang brand ng shampoo na ini-endorse niya dahil nagpagupit ( o siya mismo ang naggupit?) siya.
Bitin
Bitin ang interbyu ni Butch Francisco kay Sarah Lahbati sa “Startalk.” Hindi niya naitanong kung totoo bang may anak na sila ni Richard Gutierrez? ‘Yun ang pinakahihintay na tanong ng bayan na malaman ang katotohanan mula mismo kay Sarah.
Hindi kaya pinagbawalan si Butch na itanong ‘yun kay Sarah bago sila nag-interbyuhan? May tsika kasi, diumano, “sinala” muna ang mga dapat itanong kay Sarah,kaya pumayag siyang magpainterbyu.
Not true
Sa presscon ng “Third Eye,”mariing itinanggi ni Camille Prats na marriage proposal ng kanyang kuya John Prats sa girlfriend nitong si Isabel Oli ‘yung nakasulat sa billboards sa kahabaan ng EDSA na “Olivia, Will you marry me? 2-14-14. “
Ani Camille, ayaw ng kanyang kuya na pinapangunahan ito. “Gusto ni kuya na si Isabel ang unang makakaalam kapag niyaya na niya itong magpakasal .Hindi si Isabel ang tinutukoy na Olivia sa billboard. Hindi namin kilala kung sino ‘yun,”saad ni Camille.
Aniya, hindi niya alam kung may wedding plans na ang kanyang kuya at si Isabel. Itinanggi rin ni Camille na magpapakasal na sila ng non-showbiz boyfriend niyang si John Yambao . Magkasama silang nag-celebrate ng Valentine’s Day together with her family (parents, siblings and son Nathan). Birthday din ‘yun ng kanyang kuya John, kaya family affair ang naging celebration nila with of course Isabel.
By the way, proud si Camille sa role niya sa “Third Eye.” Challenging aniya dahil siya ang mananakot. “Kung dati’y ako ang tinatakot, inaapi at umiiyak, matinding pananakot ang gagawin ko sa pelikulang ito,”sambit ni Camille. Asawa niya rito si Alex Medina na parehas silang uhaw sa laman at dugo ng tao. Tampok din sina Carla Abellana, Ejay Falcon, Denise Laurel, Dimples Romana at Boots Ansoa-Roa. Mula sa direksiyon ni Aloy Adlawan at hatid ng Regal Entertainment.
PBO sa SKYcable
Napapanood na sa SKYcable on Channel 60 ang PBO (Pinoy Box Office) ng Viva Communications 24/7 movie channel. Number 3 ang PBO sa top cable channels sa bansa base sa Nielsen’s Survey prior to its joining SKYcable.
Mapapanood sa PBO ang mga pelikula ng Viva Films,pati ang mga pelikulang co-produced nito with Star Cinema at iba pang pelikula mula sa ibang local film producers. Mapapanood din sa PBO ang mga local concerts at music events ng mga sikat na concert artists at Filipino music icons.
Mondays at 9:30 pm. ,tampok sa PBO Direk ang best Filipino movies na dinirek ng mga batikang direktor tulad nina Lino Brocka, Celso Ad. Castillo, Danny Zialcita, Eddie Garcia, Joel Lamangan,among others. Tuesdays (same time), dramatic tear-jerkers ang mapapanood sa PBO Senti. Action night every Wednesday sa PBO Aksyon. Youth-oriented flicks every Thursday sa PBO Sweets. Fridays ay PBO First Class with award-winning movies. Saturdays, ang cable premiere ng recent box-office hits. Sundays on PBO Presents, naka-focus naman sa isang important star.
Mapapanood din ang PBO sa Cignal via satellite at sa mahigit 200 major cable networks nationwide.