by Rowena Agilada
Inamin ni Geoff Eigenmann na hindi siya romantic, sweet person, gaya ng sinabi ng girlfriend niyang si Carla Abellana sa presscon ng “Third Eye.” Nakausap namin si Geoff sa presscon ng “Adarna” na aniya, totoo rin ang sinabi ni Carla na wala siyang Valentine gift, no flowers, no chocolates for her. Ayon pa kay Geoff, may dinner plans sila, pero hindi natuloy dahil nagkaroon sila ng petty LQ (lover’s quarrel).
Pero nagkita naman sila that day at binati niya ito ng Happy Valentine’s Day. “Babawi na lang ako next year (laughs). This year lang naman kami hindi nakapag-celebrate ng V-Day,” ani Geoff. Three years na sila together na ayon kay Geoff, kahit hindi siya romantic person, may sweet moments din naman siya paminsan-minsan.
Ayon pa sa Kapuso actor, nabasa niya ‘yung pagtataray ni Carla sa isang entertainment writer sa presscon ng “Third Eye.” Natawa na lang daw siya dahil gano’n talaga si Carla magsalita. “She tries to be sarcastic in a funny way. Pero iba ang dating sa ibang tao. That’s the way she is. That’s why I love her,” sambit ni Geoff.
Hopeless romantic
Kung hindi romantic and sweet person si Geoff Eigenmann, exact opposite niya si Mikael Daez, na katrabaho niya sa “Adarna.” Mikael plays Falco sa naturang fantaserye ng GMA7 na aniya, hopeless romantic siya. “Cheesy ako. Super lambing ako,” ani Mikael.
Matipid nga lang ang mga salita ni Mikael kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang lovelife. Mga pahapyaw lang siya kapag nababanggit si Megan Young, ang Miss World ng buhay ni Mikael. Bakas na bakas naman sa mukha niya na he’s in love and inspired.
Ayon kay Mikael, may taping siya ng “Adarna,” kaya wala silang Valentine date ni Megan. Pero masaya pa rin ang puso niya. Nagkakaintindihan sila ni Megan kung bakit hindi pa nito diretsang maamin ang kanilang relasyon. “Parati kong sinasabi sa kanya, make the most out of it. Namnamin niya ang magagandang opportunities na dumarating sa kanya,” ani Mikael.
Siya (Mikael) naman ay nag-e-enjoy sa kanyang showbiz career. First time niya gumawa ng fantaserye (“Adarna”) na aniya, iba ang feeling. “Masaya dahil ‘yung mga imposibleng gawin, nagagawa ko. Gaya ng paglipad dahil taong ibon ako sa “Adarna.” Marami pang dapat abangan sa mga susunod na episodes. Ang daming revelations sa mga karakter namin.”
Wagas na pag-ibig
Isa na namang natatanging kuwento ng pag-ibig ang tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ngayong buwan ng mga puso. Pinamagatang “My Love Forever,” tungkol ito sa isang biyudang may anak na dalaga. Nahulog ang loob ng ina sa lalaking mahal ng anak niya.Sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad, napaibig din sa biyuda ang lalaki.
Sa mata ng mga mapanghusgang tao, mali ang kanilang pag-iibigan. Tunghayan kung paano nila ito ipinaglaban. Tampok sina Jaclyn Jose, Ruru Madrid, Mike Tan at Ashley Nordstorm. Mula sa direksiyon ni Andoy Ranay. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.