by Rowena Agilada
Excited si Aljur Abrenica sa role niya sa “Kambal Sirena” kung saan gaganap siya bilang Kevin. Trainor siya ng mga dolphin ,kaya nag-aral pa siya kung paano alagaan ang mga ito.Nag-diving lessons din ang Kapuso hunk.
Si Louise delos Reyes ang love interest ni Aljur sa “Kambal Sirena” at nakapag-taping na sila sa Subic. Ani Aljur, sobrang thankful siya sa GMA na binigyan siya ng ganitong project dahil kakaiba ito sa mga nagawa niya.
Besides, first time sila magkasama ni Louise sa isang TV project (sirenaserye ang KS),kaya panibagong working experience ito for him ,ani Aljur. Magkasama sila sa SAS (“Sunday All Stars”), pero iba raw ‘yung sa teleserye.
Confident si Aljur na walang selosan factor sa kanilang respective partners off-cam. Hindi na selosa ang girlfriend niyang si Kylie Padilla, gayun din si Enzo Pineda na boyfriend naman ni Louise. Looking forward si Aljur na magkakapareha rin sila ni Kylie sa future projects nila sa GMA7.
Malapit nang matapos ang “Adarna” ni Kylie na papalitan ito ng “Kambal Sirena.”
Karma kaya?
Pinapaasa lang kaya sa wala ng isang aktres ang aktor sa panliligaw nito sa kanya? Ayon sa tsika, bagaman ini-entertain ng aktres ang panliligaw ng aktor at nakikipag-date ito , hindi pa rin daw totally nakaka-move-on ang aktres sa break-up nito sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Nasa puso pa rin daw ng aktres ang ex-BF at hindi pa rin nito nakakalimutan. Ito namang si manliligaw na aktor, wagas na wagas ang pag-e-effort na ma-win ang puso ni aktres. Mukhang tinamaan ng todo ng pana ni Kupido.
Ano kayang reaction ng ex-girlfriend ni aktor kung totoong pinapaasa lang ito sa wala ni aktres? Unfair naman sa aktor kung giliw-giliwan lang sa kanya ang nililiyag na aktres. O, ginagawa lang siyang pamasak-butas? Hindi kaya karma ito sa aktor dahil sobrang sinaktan niya ang kanyang ex-GF ? Until now, wala pang closure ang kanilang break-up.
Magkasama muli
Sa fans and supporters nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, muling mapapanood na magkasama ang dalawa,kaya huwag palampasin ang episode ng “Magpakailanman” ngayong Sabado. Pinamagatang “Mandirigma,” tampok sina Tom at Dennis sa kuwento tungkol kina Eduardo Folayong at Mark Sangiao.
Dalawa silang atleta ng mixed artial arts na hindi kinilala at hindi sineryoso sa mahabang panahon.Alamin kung paano napagsabay ni Mark ang pagiging coach, athlete at padre de pamilya. Paano niya nakumbinse ang kanyang asawa na suportahan siya sa larangang pinasok niya?
Paano rin nagawa ni Eduard mapapayag ang kanyang mga magulang na pasukin niya ang sport na walang kasiguruhan ang kanyang kinabukasan? Tampok din sina Sheena Halili, Andrew Schimmer, Snooky Serna at Bembol Roco. Mula sa direksiyon ni Neal del Rosario. Watch “Magpakailanman” after “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.