by Rowena Agilada
IBANG level na ang sikat na talent manager at supervising producer na si Manny Valera. Nagtayo siya ng DMV House of Acting & Performing Arts (DMV HAPA) at ginanap ang blessing nito last Sunday (March 2). Nag-cut ng ceremonial ribbon ang DMV talents na sina Alessandra de Rossi at Janella Salvador. Dumating din ang ibang DMV talents na sina Polo Ravales, Jennica Garcia, Althea Vega, Alex Medina, Kerbie Zamora at Neri Naig kasama ang boyfriend na si Chito Miranda.
Andu’n din sina Mother Lily Monteverde, direk Mel Chionglo, direk Gil Portes, Ricky Davao at Malou Choa-Fagar (“Eat Bulaga” executive producer). Ayon kay Manny V., dream come true itong project. Matagal na niyang gustong magkaroon ng studio kung saan magde-develop sila ng iba’t ibang talents tulad ng acting, singing, dancing, painting, atbp.
Bukas ang DMV HAPA sa lahat ng gustong matuto (bata at matanda). Magsisimula ang summer classes on April 2. Located ito sa 5 Scout Magbanua corner Roces Avenue, QC near Amoranto Stadium. Magtuturo rin ng film production, taekwondo, ballet, pagtugtog ng piano, guitar at violin, modern dance, zumba, hiphop, ballroom dancing. Ang teachers ay kinabibilangan nina direktor Lore Reyes at Joel Lamangan, actor-painter Mike Austria at ang mga choreographer na sina Geleen Eugenio at Lyn Tamayo. For more inquiries, maaaring tawagan si Ms. Cynthia (861-8586). Email address is [email protected].
Nominated
Sobrang proud ang GMA Artist Center sa talent nitong si Barbara Miguel. Nominated ang bagets for Best Actress sa 2014 Queens World Film Festival (QWFF) sa New York City for her performance in “Nuwebe” kung saan ginampanan ni Barbara ang isang batang ina.
Nabuntis siya at nanganak sa edad nuwebe. Ni-rape siya ng kanyang stepfather (Jake Cuenca). Si Nadine Samonte ang gumanap na ina ni Barbara. Mula ito sa direksiyon ni Joseph Israel Laban.
Naunang kinilala at pinarangalan si Barbara bilang Best Actress sa Harlem International Film Festival sa naturang pelikula. Napapanood si Barbara sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw”) bilang itinuturing na kapatid ni Marian Rivera.
Final week
Nakabalik na si Solenn Heussaff mula sa Vietnam kasama ang Argentinian boyfriend niya. Panay nga ang post ni Solenn sa kanyang Instagram account ng photos nila ng kanyang BF.
Trabaho cum bakasyon na rin ang ginawa ni Solenn. Nag-TV shoot siya para sa isang commercial at photo shoot para sa isang magazine. Namasyal din sila ng kanyang BF sa iba’t ibang lugar sa Vietnam.
Final week ngayon ng “Adarna” at happy si Solenn na naging bahagi siya ng fantaseryeng ito ng GMA7.
Mamaya sa “Adarna,” mag-aaway sina Robin (Saab Magalona) at Dayana (Solenn Heussaff) dahil kay Migo (Geoff Eigenmann). Inundayan ni Dayana ng magic sampal si Robin at nagkabulutong ito.
Bihag ni Garuda (Michelle Madrigal) si Lupe/Larka (Jean Garcia). Inalisan niya ito ng memorya at nagbago ang itsura. Hindi nakilala ni Lupe si Ada at sinaktan niya ang anak.