by Rowena Agilada
NO show si John Estrada sa presscon ng “Ikaw Lamang” dahil diumano’y nagkaroon ng “emergency,” ayon sa isang production staff. Pero hindi na ito nag-elaborate.
Earlier that afternoon (March 5), nainterbyu ang misis ni John na si Priscilla Meirelles sa isang showbiz talk show kung saan may mga nakakaintriga itong pahayag
Nabanggit ni Priscilla ang tungkol sa cultural differences nila ni John. Brazilian siya at nag-a-adjust siya. Sinusubukan nilang mag-compromise. Inamin din ni Priscilla na normal lang sa isang mag-asawa ang magkaroon ng problema and they’re trying to work it out.
Kinagabihan ang presscon ng “Ikaw Lamang” at hindi nakarating si John. May haka-hakang hindi raw kaya dahil sa interbyu kay Priscilla earlier that day may kinalaman ang hindi pagsipot ni John sa presscon ng IL? May marital problem nga kaya sila ni Priscilla? Just asking!
Sumipot kaya si John sa celebrity advance screening ng “Ikaw Lamang” tonight at 6 p.m. sa Cinema 7 Trinoma mall? Expected to come ang buong cast headed by Kim Chiu, Coco Martin, Julia Montes, Jake Cuenca and their co-stars, Cherie Gil, Cherry Pie Picache, Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Meryl Soriano, among others.
Forte niya
Mukhang bored na bored si Jake Cuenca noong presscon ng “Ikaw Lamang” habang nagku-question-and- answer. Panay kasi sina Coco Martin, Kim Chiu at Julia Montes ang tinatanong ng press.
Nang matanong siya tungkol sa role niya, aniya, mas gusto niya ang kontrabida dahil feeling niya, ’yun ang forte niya. “Du’n ako magsa-shine,”he said. Excited siya sa “Ikaw Lamang” at hindi isyu sa kanya kung kontrabida ang karakter niya.
Ayon pa kay Jake, tinanggap agad niya ang project dahil makakatrabaho niyang muli sina Kim Chiu at Coco Martin na nakasama niya sa “Tayong Dalawa.” Aniya pa, dapat ay magkasama rin sila ni Coco sa “Juan dela Cruz,” but he begged off dahil sa conflict of schedule. That time, gumagawa siya ng isa pang teleserye, “Kahit Puso’y Masugatan.”
By the way, nominated si Jake for best actor sa 4th Queens World Film Festival sa New York City for his performance in “Nuwebe,” na isang indie film. Hindi pa siya sure kung makakadalo siya sa Awards Night. Kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto niyang maging bahagi ng naturang event.
Nominated
Mamayang gabi na gaganapin ang PMPC Star Awards for Movies sa Solaire Hotel. Nominated si Dingdong Dantes for Movie Actor of the Year for his performance in “Dance of the Steel Bars” kung saan gumanap siya bilang isang convicted murderer. “I am certainly blessed to be nominated. Bonus na lang ’yun. What’s important is our movie (DOTSB) made our audience realize that our talents were given to be explored, whether behind bars or in an open field. What matters is how we improve ourselves with this gift,” anang Kapuso Primetime King.
Samantala, graduating si Dingdong this month sa kursong BS Business Administration sa West Negros University. Malapit na rin siyang magsimula ng taping para sa bago niyang teleserye sa GMA7, ang “Dalawang Mrs. Real” with Maricel Soriano and Lovi Poe.