by Rowena Agilada
AFTER Aljur Abrenica, si Dennis Trillo naman na isa ring Kapuso actor ang “pinagti-tripan” ngayon ni Ai Ai delas Alas. Bigyan din kaya niya ng toy car si Dennis gaya ng ginawa niya noon kay Aljur?
Parehong recipients sina Ai Ai at Dennis ng Dekada Award mula sa PMPC Star Awards for Movies at nag-joke si Ai Ai on stage kay Dennis na kung pwede’y mag-sex sila, kaya nagtawanan ang audience. Ani Ai Ai, pampagising lang dahil nakita niyang bored at inaantok na ang mga ito.
Anyway, kasama si Ai Ai sa cast ng “Dyesebel” kung saan isang sirena ang role niya. Siya ang ina-inahan ni Dyesebel (Anne Curtis). Maraming unforgettable experiences si Ai Ai sa taping, isa na ’yung muntik na siyang malunod. Hindi niya namalayan na sa kalalangoy niya sa dagat, napunta na siya sa malalim na bahagi nito.
Pilot telecast ng naturang fantaserye sa Lunes (March 17) na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida, handog ng Dreamscape Television Entertainment.
Ano na?
Nagtatanong ang fans ni Barbie Forteza kung ano na raw ba ang next project niya after “AnnaKareNina”? Napapanood lang nila si Barbie sa SAS (“Sunday All Stars”). Pa-guest-guest din lang siya sa ibang programa ng GMA7.
Ang mga kasama niya sa “AnnaKareNina” na sina Joyce Ching at Krystal Reyes ay may kanya-kanyang teleserye ngayon. Tampok si Joyce sa “Paraiso Ko’y Ikaw” at si Krystal ay sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw.) Nagre-request ang fans ni Barbie na sana’y mapanood nilang muli ang kanilang teen idol sa isang teleserye.
Baka naman may inihahandang project ang Kapuso Network for Barbie? Maghintay-hintay lang kayo, mga fans.
Given a chance, gusto ni Barbie makasama ang big crush niyang si Dennis Trillo sa isang teleserye. Why not? Bagay sa kanila ang mala-“To Sir with Love” na story. Kung sa “Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw)” ay mas bata ang leading man ni Marian Rivera na si Alden Richards, bakit hindi kaya subukan ang formula na mas bata naman ang leading lady sa tandem nina Dennis at Barbie? Mahilig naman ang GMA mag-eksperimento ng kakaibang tambalan. Si Dingdong Dantes, si Maricel Soriano ang kasama sa bago niyang teleserye, “Ang Dalawang Mrs. Real” with Lovi Poe.
Magkakaalaman na
Magkakasubukan at magkakaalamam na mamaya kung sino kina Aljur Abrenica at Alden Richards ang mas mahusay umarte. Tutok lang sa “Magpakailanman” pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.
’Heard, noong nag-taping sila para sa episode na pinamagatang “Gas Mo, Bukas Ko,” parehong nagpakitang-gilas sa pag-arte sina Aljur at Alden. Na-challenge raw kasi ang dalawang Kapuso actors sa pagkukumpara sa kanila ng ibang kampo. Nagsilbing inspirasyon ’yun sa kanila para pagbutihin ang kanilang acting, kaya focused sila pareho sa kanilang respective roles.
Gaganap bilang magkapatid na Joel at Jovel Javier sina Aljur at Alden. Naging bakery boys sila, naging pump attendants sa isang gas station company. Nagsikap silang makatapos sa pag-aaral para makamit ang kanilang mga pangarap. Magkaiba sila ng landas na tinahak.
Tampok pa rin ngayong Sabado sa “Magpakailanman” sina Charee Pineda, Diva Montelaba, Lotlot de Leon, Chinggay Riego, Menggie Cobarubbias at may special participation sina Christian Bautista, Bettina Carlos, Vincent Magbanua, Antone Limengco at Yayo Aguila. Mula sa direksiyon ni Argel Joseph.