by Rowena Agilada
SABI ni Ruffa Gutierrez, nadagdagan ang admirers niya mula nang uminom siya ng Cosmo Skin L-Gluthathione. Kung dati’y sampu ang kanyang admirers, labing lima na sila ngayon, aniya sa presscon ng bago niyang product endorsement.
“I’m dating. Dinner dates lang. Pero wala akong boyfriend. May mga nagpapadala ng flowers. May text mates, kilig-kiligan lang,” pahayag ni Ruffa.
Aniya pa, may 22-year-old siyang admirer. Ayaw niya sa walang buhok (kalbo) at older than 50 years old. Mahirap daw talagang makahanap ngayon ng right guy dahil ’yung 40 years old and above, may mga asawa na. Age doesn’t matter to her at kahit younger sa kanya ang guy, as long as nagkakaintindihan sila, mature mag-isip at intelihente, okey lang. Aniya, three years older siya sa ex-husband niyang si Yilmaz Bektas.
“Gusto ko, God-fearing, may integrity, may leadership quality, hard-working, maabilidad, ayoko ng tamad. Two years na akong walang boyfriend at very picky na ako ngayon sa makakarelasyon ko,” wika ni Ruffa.
Height matters to her at gusto niya ng taller guy. Hindi papasa sa kanya kung 5 ft. lang ang height. Asked kung gaya ba siya ng kanyang mommy Annabelle Rama na ito ang naghabol noon sa lalaki (her dad Eddie Gutierrez), “No! Hindi ako naghahabol, ako ang hinahabol ng lalaki,” sabi ni Ruffa.
May ipinaretoke na ba siya sa bahagi ng kanyang katawan? Aniya, nagpaalis lang siya ng taba (liposuction) dahil dalawa na ang anak niya. Pero wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha. Siyanga pala, lalabas this week sa EDSA ang billboard ni Ruffa bilang Cosmo Skin L-Gluthathione endorser.
Di isyu
Pinangarap din ni Andi Eigenmann maging Dyesebel. Sa presscon ng “Dyesebel,” may nagsabing bagay rin sa kanya maging Dyesebel. “Lahat naman yata ng artistang babae, naghangad o nangarap maging Dyesebel. Okey lang kung kay Anne Curtis ibinigay ang project,” ani Andi.
Aniya, masaya na siya kahit kontrabida ang role niya sa “Dyesebel.” Pahihirapan niya rito si Anne. Ayon kay Andi, tinanggap niya ang project dahil gusto niyang maging bahagi ng isang magandang kuwento na alam niyang susubaybayan ng televiewers.
Hindi isyu kay Andi kung nagbida na siya sa mga nakaraan niyang teleserye at kontrabida naman siya ngayon sa “Dyesebel.” Siya ang gaganap na anak ni Dawn Zulueta.
May bagong anak
Anak din ni Dawn Zulueta si Anne Curtis kay Albert Martinez na isang sireno. Sobrang bilib si Dawn kay Anne at aniya, bagong “anak” niya ito, pati sina Sam Milby at Andi Eigenmann. Si Gerald Anderson ay nakatrabaho na niya sa isang teleserye. “I’ m always excited to work with the young blood. They’re very energetic,” wika ni Dawn.
Second time naman niyang katrabaho si Albert at aniya, very dedicated ito sa trabaho. “I admire him a lot. He takes his craft seriously at marami akong natututunan sa kanya. He’s interested in developing his character. Masarap katrabaho si Albert,” lahad ni Dawn.
Wala sa presscon ang aktor. Dahil kaya special participation lang siya sa “Dyesebel”? In any case, kasama naman si Albert sa bagong teleserye ni Bea Alonzo, “Sana Bukas Pa ang Kahapon,” kung saan leading man siya ni Bea. The other one is Paulo Avelino. Anytime soon, ilo-launch na rin ito ng Dreamscape Television Entertainment.
Ang DTE rin ang prodyuser ng “Ikaw Lamang” at “Dyesebel.”