by Rowena Agilada
DID we hear it right na diumano, sinabi ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli na, “Kung kaya mo akong ipaglaban, susuportahan kita.” Kaya ba noong birthday party ni Matteo sa isang sosyal na resto-bar ay wala nang takot si Sarah makipag-holding hands kay Matteo? May pahalik-halik at payakap-yakap pa siya sa binata, kahit ’andun din sa venue ang kanyang mommy Divine. Wala itong nagawa sa PDA (Public Display of Affection) ni Sarah kay Matteo.
Noon pa naman sinasabi ni Sarah na gusto niya sa isang lalaki ’yung ipaglalaban siya. Si Matteo na kaya ’yun? Hanggang saan, hanggang kailan kaya niya ipaglalaban si Sarah? Kailan naman kaya nila aaminin na officially together na sila?
Pressured
How time flies! Teenager na ngayon si Miguel Tanfelix na parang kailan lang ay bahagi ng “Starstruck Kids.” Fifteen years old na siya ngayon at incoming third year high school student sa Cavite School of Life sa Dasmarinas, Cavite.
Isa ngayon si Miguel sa hinuhubog ng GMA Artist Center para mahasa ang talento sa pag-arte.
Natatandaan pa namin, super kulit si Miguel noong bata pa siya. Now, behave na at may crush na siya, si Barbie Forteza. Nagkatrabaho na sila sa “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.”
Ilo-launch si Miguel sa “Niño” at aniya, pressured siya dahil first time na bida siya sa isang primetime series ng GMA7. Aniya, tipong retarded ang role niya. Nag-acting workshop siya kay direk Maryo J. delos Reyes na siya ring megger ng “Niño.”
Sa Kapuso actors, gustong tularan ni Miguel sina Dingdong Dantes at Alden Richards. Sa Kapuso actress, hinahangaan naman niya si Marian Rivera at wish niyang makatrabaho ito.
Promising!
Very promising at malaki ang potential ng 14-year-old GMA Artist Center talent na si Bianca Umali. Siya ang kapareha ni Miguel Tanfelix sa “Niño” at thankful si Bianca sa Kapuso Network for choosing her na maging bahagi ng primetime series na ito na mapapanood simula April 28.
Napansin ang husay sa pag-arte ni Bianca sa “Mga Basang Sisiw,” afternoon drama series ng GMA kung saan nagkasama sila ni Miguel. After that, binigyan siya ng bigger project, itong “Niño” kung saan muling mapapasabak sa drama si Bianca.
May malalim siyang pinaghuhugutan ng emosyon dahil ulila na siyang lubos. Only child si Bianca at bata pa siya noong magkasunod na namatay ang kanyang daddy at mommy. Ang lola niya ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.
Ani Bianca, parehong may unang pamilya ang kanyang parents noong nagkakilala ang mga ito hanggang nagkaroon ng relasyon. Apat ang half-siblings ni Bianca sa father side (3 brothers and a sister) at dalawang sisters sa mother side.
Incoming Grade VIII si Bianca sa Learning Guardian Montessori at plano niyang kumuha ng Communication Arts after high school. Idol niya si Marian Rivera at wish ni Bianca na sumikat din tulad ng Kapuso Primetime Queen.