by Rowena Agilada
Muntik nang mawalan ng green card si Raymond Bagatsing. Nag-over stay na kasi siya sa Pilipinas. Tsika ng aktor, noong nagpunta siya kamakailan sa United States, kinumpiska ng Bureau of Immigration ang kanyang green card.
Mabuti na lang daw, pinagbigyan siya ng head nito at sinabihan siyang kausapin niya ang kanyang lawyer para ayusin ang kanyang green card. Nagkasunud-sunod kasi ang trabaho niya sa GMA7, kaya hindi niya agad naasikaso ang pagsasaayos ng kanyang green card.
May booking agent pa rin si Raymond sa US. Pero habang wala pa siyang project doon, dito muna siya sa Pilipinas.Bukod sa kanyang acting career, busy-bisihan din si Raymond sa kanyang restaurant business,kasosyo ang isang non-showbiz friend. Meron din siyang school for dramatic arts. Plano rin ni Raymond magtayo ng yoga school. He’s into yoga, kaya na-inspire siyang magtayo ng yoga school.
Vegetarian din pala si Raymond tulad ni Rafael Rosell. Pinaghalong fruits and vegetables ang ginagawa nilang juice. Fourteen years na siyang vegetarian,ayon kay Raymond.
Bitin
Nagtatanong ang fans ni Dennis Trillo kung ano raw ba ang bagong project niya sa GMA7? Matagal nang natapos ang “My Husband’s Lover” at naiinip na raw sila sa kaaabang kung ano’ng kasunod na TV series ng kanilang idolo.
Itinampok si Dennis sa Lenten Special ng Eat Bulaga na napanood noong Holy Monday.Kasama niya si Julia Clarete sa drama special na “Ilaw ng Kahapon.” Bitin sila,ayon sa fans and supporters ni Dennis. Mas gusto nilang mapanood ang Kapuso Actor sa isang teleserye. Baka naman, pinaghahandaang mabuti ang bagong project na ibibigay kay Dennis? Wait na lang.
Baka mabantilawan
Nasasabik na rin ang fans and supporters ni Tom Rodriguez na mapanood siya sa isang TV series. Sayang naman daw ang magandang simula niya sa Kapuso Network. Biglang sikat si Tom noong nagkasama sila ni Dennis Trillo sa “My Husband’s Lover.” Napili pa nga sila bilang Celebrity Pair of the Year ng Pepster’s Choice Awards. Gaganapin ang Awards Night on May 20, 2014 sa Solaire Resort and Casino.
Nag-aalala ang fans and supporters ni Tom na baka mabantilawan ang pagsikat niya. Malamang! Ang televiewers pa naman, out of sight, out of mind. Iba ‘yung madalas napapanood sa TV ang isang artista na maski ang mga batang paslit ay nakikilala siya.
May guest role si Tom sa Lenten offering ng “Pepito Manaloto.” Guest role rin siya sa “Nino” na ang bagets na si Miguel Tanfelix ang title role. Kasama sina Bianca Umali, David Remo, Renz Valerio, Katrina Halili, atbpa. Ayaw ng fans ni Tom na guest role lang siya. Gusto nila, isang teleserye na siya ang bida. Oo nga naman!