by Rowena Agilada
HINDI na itinuloy ni Jake Vargas ang plano niyang magtayo ng computer shop sa Angeles City. Ang daddy niya sana ang magma-manage dahil malapit lang ‘yun sa Olongapo kung saan sila nakatira.
“Ibinili ko na lang ng bagong sasakyan,” ani Jake nang nakausap namin sa taping ng “Magpakailanman.” Mahilig siya sa sasakyan at anang Kapuso young actor, tatlo na ang sasakyan niya. Bukod dito, mahilig din si Jake sa comic books. Lima o anim ang dala niya sa taping ng MPK, isa na ang tungkol sa Avatar. During breaktime, ang pagbabasa ng comic books ang libangan ni Jake.
Kumusta naman siya bilang boyfriend ni Bea Binene? “Seloso ako,” pag-amin ni Jake. Selosa rin daw ang girlfriend niya. Sabi pa ni Jake, never pa silang nag-date ni Bea na silang dalawa lang. Parating kasama nila ang mommy ni Bea. Minsan nga raw, kasama pa nila sa movie date ang baby sister ni Bea at pinanood nila ang “Rio 2″ na pam-bagets.
Okey ba sa kanyang kasama nila ang mommy ni Bea kapag nagdidate sila?”Okey lang. Naiintindihan ko naman ang mommy niya. Bata pa kasi si Bea. Seventeen pa lang siya. Sabi ng mommy niya, kapag 18 na si Bea, papayagan na siyang makipag-date na walang chaperon. Mag-e-eighteen na siya sa birthday niya sa November,” lahad ni Jake. Turning 21 naman si Jake sa July.
Getting closer
Getting closer na diumano sina Eula Caballero at ang half-Pinoy hunk na si Dan Marsh na kasama sa limang miyembro ng Juan Direction. From what we gathered, ibang-iba raw ang aura ng TV5 drama princess sa taping ng “One of the Boys,” bagong weekly sitcom na mapapanood sa Kapatid Network tuwing Sabado simula sa May 3 at 9 pm.
Magkasama sina Eula at Dan sa naturang sitcom at madalas daw na tuksuhin ang dalawa ng mga co-star nila. Kapag break time, parati silang magkausap. Nagkukulitan at nagbibiruan pa raw in Bisaya. Pareho kasing taga-Cebu sina Eula at Dan.
Binibigyan daw ni Eula ng acting tips si Dan at tina-translate pa sa bisaya ang Tagalog words para madali nitong maintindihan. Susubukan ang bagong love team nina Eula at Dan sa “One of the Boys.” Bahagi rin si Eula ng “Tropa Mo Ko Unli” every Saturday at si Dan ay sa “Juan Direction” na napapanood every Sunday sa TV5.
Ilag sa bading
Tamang-tama ang Entreprenuership course na kinukuha ni Kristoffer Martin sa San Beda College. Gusto niyang magkaroon ng clothing line business. May mga business partners na nga siya na mga kaibigan niya sa San Beda.
Magbebenta sila ng t-shirts na exclusive designs nila. Kaso lang, nag-back out ang mga kasosyo niya. Magpo-focus daw muna ang mga ito sa pag-aaral. “Kung financially susuportahan ako ng family ko, itutuloy ko. Kung magsi-share ng capital sina daddy at mommy, kami na lang ang magbi-business,” saad ni Kristoffer.
Wala pa siyang bagong regular show sa GMA7 after “Paraiso Ko’y Ikaw.” Nag-guest si Kristoffer sa “Magpakailanman” kung saan gay role siya sa episode na ipinalabas nitong nakaraang Sabado (April 26). Aniya, mas naiintindihan na niya ngayon ang mga bading at ang mga pinagdaraanan ng mga ito sa pakikipag-relasyon.
“Noong high school ako, ilag ako sa mga bading. Noong nag-showbiz na ako, nasa nay na ako sa kanila. Masaya silang kasama at kausap,” sambit ni Kristoffer.