by Rowena Agilada
AS promised, heto ang iba pang kuwento ng buhay ng singing inmate na si Herbert C. Tatlo silang magkakapatid at dala ng kahirapan, 8 years old pa lang siya’y nagtatrabaho na. Naging sweeper at dishwasher siya sa isang canteen. Naging kargador din sa pier.
Noong nagkasakit ang tatay niya, nangunguha si Herbert ng mga pagkaing-tira (left-over) sa canteen na pinagtatrabahuhan niya. Inuuwi niya sa kanilang bahay para may makain ang pamilya niya. “Kapag natutulog na ’yung mga nagbabantay sa canteen, kinukuha ko ’yung mga tirang pagkain,” ani Herbert.
Sa hangad na makaahon sa kahirapan, nagsikap si Herbert. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya. Nagkaroon siya ng lending business. Ang panganay niyang anak na babae (22 years old) na isang nurse ang namamahala simula noong nakulong siya.
Never been married, Herbert has 11 children with four different women. Aniya, siya parati ang iniiwan ng mga babae. “Hindi ko alam kung bakit. Nagmamahal lang naman ako nang totoo,” aniya.
Ano ang naramdaman niya noong mga unang araw niya sa kulungan? “Nalungkot ako. Na-depress. Naiyak at panay ang dasal ko sa Panginoon,” saad ni Herbert. Naging libangan niya ang pagkanta at idols niya sina Michael Jackson, Martin Nievera, Rodel Naval (RIP), Freddie Aguilar at Ariel Rivera.
Sweet-sweet-an
Elmo Magalona turned 20 on April 27 at nag-dinner sila ng kanyang pamilya with Janine Gutierrez. Isang running shoes (Nike) ang birthday gift ni Janine.
Kinabukasan (April 28), sinopresa naman si Elmo ng co-stars niya sa “Villa Quintana.” Noong dinner break, kinantahan nila si Elmo ng “Happy Birthday” with matching 2 cakes. May ice cream, pizza pies at barbecue na pinabili ni Elmo.
Sweet-sweetan sina Elmo at Janine habang kausap namin at ng ilang entertainment writers na dumalaw sa set ng “Villa Quintana” sa isang mansion sa Baliuag, Bulacan. Action speaks louder than words. Ang mga pasimpleng pag-akbay ni Elmo kay Janine, ang mga meaningful smiles nila, ang mga tinginan (o titigan?) nila, ang mga kilig-kiligang body language, ’yun na ’yon!
“Masaya lang kami ni Janine kung anuman meron kami ngayon. Enjoy lang! Nasa dating stage pa rin kami at gusto pa naming makilalang mabuti ang isa’t isa,” ani Elmo. Aniya pa, magaan kausap si Janine lalo na kapag tinitingnan niya ito.
Maganda, matalino, hot, honest at classy ang description ni Elmo kay Janine. He calls her Jane at siya raw si Tarzan, joke ni Elmo.
Compatible
Funny, spontaneous, sweet, guwapo, hot at magaling ang description naman ni Janine kay Elmo. “Magaling saan?” tanong ng isang gay reporter. “Magaling na artista (laughs). Ano ba?” sagot ni Janine.
Aniya pa, may common interests sila ni Elmo. Pareho silang mahilig kumain, mahilig sa music at manood ng sine. They go out na silang dalawa lang ni Elmo… movie or dinner date.
Janine is four years older kay Elmo, pero anila, age doesn’t matter. Ang importante, nagkakaintindihan sila at kung ano’ng nararamdaman nila para sa isa’t isa.
Very memorable sa kanila ang “Villa Quintana” dahil hindi nila ini-expect na magkakadebelopan (o, magkaka-in love-an) sila. “May meaning lahat ng nangyayari sa amin. Mahirap ipaliwanag,” lahad ni Janine. “Worth it lahat ng hirap namin sa taping. Magaganda ang feedback. Marami pang dapat abangan ang televiewers. Very happy ako at very memorable birthday ko rin ito,” saad naman ni Elmo.