Feeling blessed ang GMA Artist Center talent na si Steven Silva dahil siya lang ang showbiz personality na napili para maging bahagi ng “The Boston,” musical play na ipalalabas next month sa Lifestyle channel.More than 30 talents mula sa theater at kapuwa niya GMA talents ang nag-audition. Si Steven ang pinalad na napili ng production staff ng The Group Entertainment (TGE) . Ito ang producer ng “The Kitchen Musical,” international TV series na tinampukan nina Christian Bautista at Karylle na ipinalabas sa Singapore.
This time, sa Pilipinas naman nag-shoot ang TGE para sa isa pang international TV series.Ayon kay Steven, walong episodes ng “The Boston” ang siniyut nila, kasama ang ilang talents from different countries. Nag-audition si Steven September last year na aniya, maraming call backs bago niya nalaman na kasama siya sa final cast.
“It was a long process,”saad ni Steven.”I was asked kung ano’ng talents ko. Pinag-script reading ako. Pinakanta, pinasayaw.” Ani Steven, plus factor na Culinary Arts graduate siya (from California Culinary Academy in San Francisco,USA) para ibigay sa kanya ang role bilang Sid,isang pastry chef sa “The Boston.”
Intriguing ang character ni Sid na metro sexual. Soft spoken, malambing magsalita, very particular sa kanyang physical appearance.”You should watch “The Boston” mula umpisa hanggang katapusan para malaman n’yo kung ano ba talaga si Sid (laughs),”sambit ni Steven. Produkto siya ng Starstruck 5 at kapanabayan niya sina Sarah Lahbati, Enzo Pineda,Sef Cadayona, Diva Montelaba among others. Huling napanood si Steven sa “Akin Pa Rin Ang Bukas” with Lovi Poe and Rocco Nacino. Semi-regular si Steven sa SAS (“Sunday All Stars).”
Guest bukas si Steven sa “Taste Buddies,”hosted by Solenn Heussaff and Isabelle Daza. Sa “Kalerkilengke” episode, mamimili si Steven sa Farmers’ market ng mga sangkap para sa lulutuin niyang sinigang sa miso. Guests din sina Ryza Cenon at Benjamin Alves. Watch “Taste Buddies” on GMA News TV at 8:45 pm.
First lead role
Excited na ang Kapuso tweenstar na si Miguel Tanfelix sa pagsisimula ng pinakabago niyang project sa GMA Network, ang primetime series na “Nino.” Isang mentally challenged 15-year old boy na may pag-iisip na 7 years old ang role ni Miguel.”Sobrang excited, kinakabahan ako dahil first lead role ko ito. Siguro, kailangan ko ng focus at self-discipline para mawala ang kaba at pressure,”lahad ni Miguel.
Bilang paghahanda sa kanyang role, nag-workshop siya,ayon kay Miguel. Sinabihan din siya ni Direk Maryo J. delos Reyes na panoorin ang pelikula ni Sean Penn na “I Am Sam” para magka-ideya siya sa kanyang role. Una silang nagkatrabaho ni Direk Maryo sa “Biritera” na ani Miguel, marami siyang natutunan. “Dapat focused sa trabaho at maging professional.”
Kasama sa cast ng “Nino” ang child star na si David Remo na katukayo ni Miguel. Ito ang Sto. Nino incarnate na magiging kaibigan at katuwang niya sa pagbibigay ng tulong at inspirasyon sa mga tao. Tampok din sina Bianca Umali, Tom Rodriguez, Katrina Halili, Gloria Romero at German Moreno.
Nakatakas
Mamaya sa “Rhodora X,” nakatakas na si Angela (Yasmien Kurdi) sa pagkakulong sa container van. Mukha siyang baliw at hitsurang taong grasa.
Napapraning naman si Roxanne (Jennylyn Mercado) sa pagtakas ni Angela. Sa paglalakad-lakad ni Angela, nakarating siya sa roof deck ng isang abandoned building. Akala niya’y nasundan siya ni Roxanne kaya aktong lulundag siya nang abutan siya ng misteryosong lalaki na nakasunod sa kanya. Mailigtas kaya nito si Angela.