by Rowena Agilada
SI Donita Rose kaya ang peg ni Cristine Reyes sa kagandahan? Parehas silang sobrang confident na maganda sila. Sa presscon ng “Basta Every Day Happy,” sinabi ni Donita na feeling niya, dahil sa ganda niya, kaya kinuha siya ng GMA7 para maging bahagi ng BEDH.
Sa presscon ng Ever Bilena Cosmetics, Inc. (EBCI) buong ningning na sinabi ni Cristine na maganda siya kahit walang make-up. “Sobrang ganda ko pag may make-up,” she said. “Hindi ako nag-e-effort magpaganda. Kahit walang make-up, basta presentable.” Aniya pa, sa pagkaalam niya, in general gusto ng mga lalaki na light make-up lang o wala ang mga babae para makita ang natural beauty.
Si Cristine ang bagong endorser ng EB Advance, line of cosmetics ng EBCI. Face powder at foundation ito called EB Advance Two-Way Cake with Vitamin E and skin moisturizers. It comes in 3 different shades — white beige, golden beige at oriental. First time ever ni Cristine maging endorser ng beauty product, kaya aniya, malaki ang matitipid niya dahil may supply na siya ng make-up mula sa Ever Bilena. Dati kasi, imported ang ginagamit niya at sobrang expensive.
Kumusta naman ang love life niya? Ani Cristine, wala siyang boyfriend. Friends lang daw sila ng basketball player na si Kevin Louise Alas ng Gilas Pilipinas team. Sey pa ni Cristine wala siyang exclusive na dine-date ngayon. Open naman daw siya sa mga manliligaw, mahaba nga raw ang pila, joke ni Cristine. “Hanggang kaibigan lang muna. Enjoy-enjoy lang,” saad ni Cristine.
Iisa ang crush
Afternoon prime ang slot ng bagong TV series sa GMA7 ni Barbie Forteza after “AnnaKareNina.” Bida siya sa “The Half-Sisters” with Thea Tolentino. Nakausap namin si Barbie sa taping nito sa Tivoli Royale, Commonwealth Avenue at aniya, hindi isyu sa kanya kung afternoon prime ito.
“Excited ako sa project dahil kakaiba ito. Kambal kami ni Thea. Isa ang mommy namin pero dalawa ang daddy. Hetero paternal super fecondation ang tawag dun. Ginu-gel ko pa kung ano’ng ibig sabihin nu’n. Basta, may kakaibang pangyayari sa pagbubuntis ng mommy naming,” lahad ni Barbie.
Api-apihan ang role niya bilang Diana at pagmamalditahan siya ni Thea bilang Ashley. Nagkatrabaho na sila sa “AnnaKareNina” noong nag-guest si Thea, kaya wala na silang ilangan factor, ani Barbie.
“Okey siyang katrabaho. Hindi mahirap pakisamahan si Thea. Hindi siya maarte,” sambit ni Barbie.
When told na pareho sila ng crush, si Dennis Trillo, napangiti si Barbie sabay sabing, “Kaya siguro nagkakasundo kami.”
Textmates pa rin sila ni Dennis, ayon kay Barbie. “Wala lang! Kumustahan lang (laughs),” she said.
Kasama sa cast ng “The Half-Sisters” sina Derrick Monasterio, Andrei Paras, Jomari Yllana, Jean Garcia, Ryan Eigenmann, Mel Martinez, among others. Directed by Mark Reyes.
Getting closer
Unang nagbida si Thea Tolentino sa “Pyra: Ang Babaeng Apoy.” Sa “The Half-Sisters,” kahati niya si Barbie Forteza sa title role at kontrabida ang karakter ni Thea. First time ever niya sa ganitong role at aniya, excited siya.
”May pinanggagalingan naman kung bakit pinagmamalditahan ko si Barbie. May selos at inggit factor kasi,” lahad ni Thea.
Getting closer na raw sila ni Barbie. Wala itong ere at hindi feeling mas sikat sa kanya or whatever. Hindi sila nagsasapawan sa mga eksenang magkasama sila. Hindi na sila nakapag-workshop bago nag-umpisa ang taping nila. Pero may acting coach naman sila sa set. Binibigyan din sila ng acting tips ni Jean Garcia na gumaganap bilang nanay nila sa “The Half-Sisters.”