by Rowena Agilada
BALIK-GMA si Jay Manalo after three years. Kasama siya sa “Nino,” bagong primetime series ng Kapuso Network. He plays Lucio na isang bad guy. “It’s nice to be back,” sambit ni Jay sa presscon ng “Nino.”
Na-miss daw niya magtrabaho bilang Kapuso at thankful siyang isinama siya sa naturang project na ang dati niyang mentor na si Maryo J. delos Reyes ang direktor.
Galing si Jay sa TV5 kung saan three years siyang naging exclusive talent. Freelancer na siya ngayon, kaya right timing ang offer ng GMA para isama siya sa cast ng “Nino.” “Kailangang kumayod dahil marami akong anak. Lumalaki na sila, kaya lumalaki rin ang gastos (laughs),” ani Jay.
Kung tama kami, Jay has 11 (or 12?) children with different women. At kung tama rin kami, tatlo o apat ang panganay sa magkakaibang nanay.
Ani Jay, sinisikap niyang maging mabuti at responsableng tatay sa mga anak niya. Gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito, kaya sa abot ng kanyang makakaya, sinisikap niyang maitaguyod ang mga anak niya at maibigay ang mga pangangailangan ng mga ito.
Hindi lang namin naitanong kay Jay kung hanggang ngayon ba’y chickboy pa rin siya?
Ginulo ang seminaryo
Dating seminarista si direk Maryo J. delos Reyes. High school siya nang pumasok siya sa isang seminaryo. Naudlot ang pagpapari niya dahil pinalabas siya ng mga namamahalang pari dahil ginulo raw niya ang seminaryo.
“Kindergarten pa lang ako’y pinangarap ko nang maging direktor. Noong high school ako, nagdirek ako ng theater play. Dinala ko ‘yun sa pinasukan kong seminaryo. Naguluhan ang mga pari at pinalabas ako. Sinabihan ako na pwede naman daw akong magsilbi kay Lord sa ibang paraan,” wika ni direk Maryo.
Malapit sa puso niya ang “Nino” dahil aniya, inspirational project ito. Nagbibigay ito ng pag-asa sa pangarap ng bawat tao.
Family-oriented drama series ang “Nino” na tampok ang heartwarming story ng isang lS-year-old boy (Miguel Tanfelix as Nino) na maging inspirasyon ng mga taong sa kabila ng maraming pagsubok sa buhay. Hindi lang ito mag po-promote ng good family values kundi mamumulat pa ang televiewers, lalo na ang mga bata, na maging mapagmahal, mapagpakumbaba, matulungin at marespeto sa mga nakakatanda.
Mapapanood na ang “Nino” simula sa Lunes, May 26, pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA7. Tampok din sina Bianca Umali, Julian Trono, Renz Valerio, David Remo, Sandy Talag, Vincent Magbanua, Katrina Halili, Gloria Romero, Luz Valdez, German Moreno, Dante Rivero, Neil Ryan Sese, Angelu de Leon, Rafa Siguion-Reyna, atbp. May special participation si Tom Rodriguez.
Love triangle
Tampok ngayong Sabado sa “Magpakailanman” ang love triangle nina Pauleen Luna, Luis Alandy at Glaiza de Castro. Pinamagatang “Magkasalo sa Pugad,” pag-aagawan nina Pauleen at Glaiza si Luis. Unang pinakasalan ni George (Luis) si Oleng (Pauleen). Hindi sila nagkaanak, kaya nagkahiwalay sila.
Nakilala ni George si Francia (Glaiza) at nagkarelasyon sila at nagkaroon ng dalawang anak. Nang bumalik si Oleng, na-realize ni George na mahal pa rin niya ito. Nagsama silang tatlo sa isang bahay.
Sino kaya kina Oleng at Francia ang mas may karapatan kay George? Ang legal wife na si Oleng o si Francia na may dalawang anak kay George? Ano kaya ang magiging desisyon ni George at sino ang pipiliin niya sa dalawang babaeng kapuwa mahal niya? Tutok lang sa “Magpakailanman,” hosted by Mel Tiangco and directed by Gina Alajar pagkatapos ng “Vampire ang Daddy Ko” sa GMA7.