by Rowena Agilada
BIGGEST break ever ng comedian-showbiz writer cum talent manager na si Ogie Diaz ang “Maybe This Time” (MTT). More than 40 movies na ang nagawa niya since 1994 at aniya, for the first time ay full contract siya sa MTT.
“Dito ko talaga naramdaman ang presencia ko. Dati, per day lang ang TF (talent fee) ko,” tsika ni Ogie sa mga kaibigang entertainment writers.
Sa MTT, he plays Mama Mae, all-around katiwala/sidekick ni Coco Martin. First time nilang nagkatrabaho sa pelikula at una sa teleseryeng “Walang Hanggan.”
Tsika ni Ogie, noong una’y galit sa kanya si Coco at gusto siyang sapakin nito. Isinulat niya kasi noon ‘yung tungkol sa “anak” ni Coco kay Katherine Luna. Feeling daw ni Coco ay kampi siya kay Katherine. Sinabihan siya ng Kapamilya actor na hindi naman niya alam ang totoong kuwento.
Sa ginawang DNA test, napatunayang hindi si Coco ang ama ng batang ipinaaako sa kanya ni Katherine. Ani Ogie, siya ang nagpayo kay Coco na ipa-DNA test ang bata.
“Ngayon, okey na okey na kami ni Coco. Ipinagmamalaki niya ako sa mga katrabaho namin. Magkasama pa kami sa dressing room ng MTT. Hindi siya maarte,” lahad ni Ogie.
Aniya pa, magkumpare pa sila ngayon ni Coco. Ninong ito ng bunso niyang anak. Ogie has four children na all girls.
No problem
First time rin ni Ogie katrabaho si Sarah Geronimo sa “Maybe This Time” at aniya, noong first shooting day nila’y may ilang factor ang dalaga. “Ako na ang lumapit kay Sarah at sabi ko, ‘wag siyang mahiya o mailang sa akin. ‘Wag niyang isiping reporter ako,” saad ni Ogie. Nairita kasi sa kanya ang mommy Divine ni Sarah noong may nai-report siya sa defunct “Showbiz Inside Report” (SIR) tungkol kay Sarah.
Hindi ba siya nangangarap magkaroon ng launching movie?
“Okey na ako sa pagiging sidekick ng bida. Walang pressure. Pwede siguro kung t”5 million ang TF ko sa launching movie (laughs). Presyong ayaw talaga. O, di ba?” ani Ogie.
Willing ba siyang makatrabaho ang dati niyang alaga na si Vice Ganda? “Why not? Walang problema sa akin.”
Ang tanong, okey ba sa kanya? “We’re okey. Pag nagkikita kami, nagbabatian kami. Past is past. Naka-move on na kami. Na kay Vice ang final say kung magkakasama kami sa pelikula. At saka depende sa role kung keri kong mai-deliver. Ang role ko pala, delivery boy (laughs),” pakuwela ni Ogie.
Arrived na
Twenty-five years na sa showbiz si Ogie at feeling niya, kahit paano’y may narating din pala siya kahit high school graduate lang siya.
Noong high school siya, dakilang extra siya sa pelikula noon nina Tito, Vic & Joey at P30 a day ang TF niya. Ang call time niya’y 8 a.m, pero 5 p.m. na siya nakukunan.
Umekstra rin si Ogie sa “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” topbilled by Susan Roces at iba pang pelikula. “Naiintindihan ko ang pakiramdam ng mga extra. Ang matagal na paghihintay, ang gutom, pagod at puyat sa maliit na kinikita,” wika ni Ogie.
Ang yumaong talent manager na si Douglas Quijano ang nagbigay ng break kay Ogie sa TV sa “Palibhasa Lalake.” Si direk Joey Reyes naman sa pelikulang “May Minahamahal” (Aga Muhlach-Aiko Melendez starrer). Ito rin ang nag-create ng karakter niya bilang Pekto sa “Palibhasa La lake.” Si direk Joey ang scriptwriter nito.
Ogie earned his first half-a-million pesos in 2005. May mga investment na siya ngayon. May mga bahay at sasakyan na siya. Sa kinikita niya ngayon, aniya kaya na niyang bumuhay ng dalawang pamilya (asawa’t apat na anak) at ang kanyang mother dear sa maintenance ng gamot sa sakit nito.
Bukod sa “Maybe This Time,” kasama rin si Ogie sa “Dyesebel.” Meron din siyang radio program sa DZMM tuwing Sabado (9 to 10 p.m.), showbiz online show every Sunday sa “The Buzz 15” sa http://www.tfc.tv at nakakapagsulat pa rin ng mga showbiz tsika. Nagmamanage pa ng talents.